05/09/2026
"๐๐ข๐ค๐๐ง๐ ๐
๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ ๐๐ญ ๐๐: ๐๐๐ฌ๐๐ง๐ ๐ค๐๐ฉ๐๐ง ๐ฌ๐ ๐๐๐ง๐๐ง๐๐ฅ๐ข๐ค๐ฌ๐ข๐ค ๐๐ญ ๐๐ฎ๐ฅ๐๐ฒ ๐ฌ๐ ๐๐๐ฆ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐ฆ๐ฉ๐จ๐ซ๐ฆ๐๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง"
ASIAN SKILLS ACADEMY FOUNDATION INC. | 09/03-04/2026
๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ โ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ 3, 2026
Umigting ang sigla, saya, at pagkamalikhain ng mga Asafian sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026, na isinagawa sa ilalim ng temang โWikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon.โ
Apat na koponan ang nagtagisan ng husay, talento, at pagkakaisa sa ibaโt ibang gawain at paligsahan: Kabagsik, na binubuo ng mga seksyong Japan at Malaysia; Arawani, na kinabibilangan ng Philippines at Cambodia; Mandirigma, na kinakatawan ng India at Hongkong; at Siklab, na binubuo ng China at Singapore.
Sa pamamagitan ng ibaโt ibang pagtatanghal, gawain, at kompetisyon, naging sentro ng programa ang pagpapahalaga sa wikang Filipino bilang mahalagang bahagi ng pagkatuto, pananaliksik, at pagpapalitan ng impormasyon.
Sinimulan ang unang araw ng programa sa pag-awit ng Pambansang Awit at panalangin, na sinundan ng pambungad na mensahe ni Cher Hannahly Casimero. Sa kaniyang mensahe, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagiging responsable sa paggamit ng Artificial Intelligence o AI. Ipinaalala rin niya na dapat manatiling kasangkapan ang AI at hindi maging kapalit ng sariling kakayahan, kaalaman, at pag-iisip.
Sinundan ito ng mga pagtatanghal mula sa ASAFI Dance Company at Communicators Guild, na naghatid ng enerhiya at kasiyahan sa mga manonood. Sa bawat pagtatanghal, ipinakita ng mga mag-aaral ang kanilang talento at malikhaing paraan ng pagpapahayag.
Naging tampok din sa unang araw ang ibaโt ibang patimpalak tulad ng pagsulat ng sanaysay, pagguhit ng poster, pagsulat ng slogan, pagkukuwento, at spoken poetry. Sa bawat kompetisyon, nagkaroon ng pagkakataon ang mga mag-aaral na gamitin ang wika bilang daluyan ng kanilang mga ideya, pananaw, at malikhaing pagpapahayag.
Pagsapit ng hapon, nagpatuloy ang kasiyahan sa pamamagitan ng mga paligsahang nagbigay-diin naman sa musika, pakikipagtulungan, at kulturang Pilipino. Kabilang dito ang OPM Love Song Duet, OPM Love Song Doble Kara, at Laro ng Lahi. Sa mga pagtatanghal at laro, kapansin-pansin ang suporta ng bawat koponan sa kanilang mga kinatawan, na lalong nagpalakas sa diwa ng pagkakaisa at pagkakaibigan sa buong pagdiriwang.
Sa pagtatapos ng unang araw, hindi lamang mga puntos at parangal ang naging bunga ng mga kompetisyon. Naging pagkakataon din ang mga ito upang maipakita ng mga Asafian na ang wikang Filipino ay maaaring maging makapangyarihang kasangkapan sa sining, musika, kultura, at malikhaing pagpapahayag.
๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ โ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ 4, 2026
Sa ikalawang araw ng kulminasyon, sa umaga, ay ibinahagi ng mga pangkat ang kanilang husay at galing sa pakikilahok sa Sabayang Pagbigkas at Katutubong Sayaw. Ipinagmalaki ng bawat pangkat ang kanilang husay, determinasyon, at talento.
Sa hapon naman ay ang pinaka-inaantay ng lahat: ang Lakan at Lakambini 2026. Dito ay ipinakita ng mga kandidata at mga kalahok ang kanilang husay at kagandahan/kagwapuhan sa Production Number. Sa Katutubong Kasuotan, ipinamalas ng mga kalahok ang kanilang pagsuot ng ating mga katutubong damit. At sa huli, ipinakita ng mga kalahok ang pagiging matipuno at kagandahan sa kanilang pagsuot ng pambansang kasuotan: ang Barong Tagalog at Bestida.
MGA NANALO
Lakan at Lakambini 2026
Pinakamahusay sa Pagtatanghal
Lakan: No. 4 - Arawani
Lakambini: No. 1 - Siklab
Pinakamahusay sa Katutubong Kasuotan
Lakan: No. 3 - Kabagsik
Lakambini: No. 3 - Kabagsik
Pinakamahusay sa Pambansang Kasuotan
Lakan: No. 3 - Kabagsik
Lakambini: No. 3 - Kabagsik
Pinakamahusay sa Panayam
Lakan: No. 4 - Arawani
Lakambini: No. 2 - Mandirigma
Major Awards:
3rd Runner-Up Lakan: No. 1 - Siklab | Lakambini: No. 4 - Arawani
2nd Runner-Up Lakan: No. 2 - Mandirigma | Lakambini: No. 2 - Mandirigma
1st Runner-Up Lakan: No. 3 - Kabagsik | Lakambini: No. 1 - Siklab
Lakan 2026: No. 4 - Arawani
Lakambini 2026: No. 3 - Kabagsik
Iba pang Paligsahan
- Poster Making โ Champion: Kabagsik | 1st: Arawani | 2nd: Mandirigma | 3rd: Siklab
- Slogan Making โ Champion: Kabagsik | 1st: Arawani | 2nd: Mandirigma | 3rd: Siklab
- Spoken Poetry โ Champion: Kabagsik | 1st: Siklab | 2nd: Arawani | 3rd: Mandirigma
- Pagkukuwento โ Champion: Mandirigma | 1st: Arawani | 2nd: Siklab | 3rd: Kabagsik
- OPM Love Song Duet โ Champion: Kabagsik | 1st: Arawani | 2nd: Mandirigma | 3rd: Siklab
- OPM Love Song Doble Kara โ Champion: Arawani | 1st: Kabagsik | 2nd: Mandirigma | 3rd: Siklab
- Tagisan ng Talino โ Champion: Arawani | 1st: Kabagsik | 2nd: Mandirigma | 3rd: Siklab
- Sabayang Pagbigkas โ Champion: Arawani | 1st: Kabagsik | 2nd: Siklab | 3rd: Mandirigma
- Katutubong Sayaw โ Champion: Kabagsik | 1st: Siklab | 2nd: Arawani | 3rd: Mandirigma
- Pagsulat ng Sanaysay โ Champion: Kabagsik | 1st: Arawani | 2nd: Siklab | 3rd: Mandirigma
Sa pagtatapos ng pagdiriwang, iniwan ng mga Asafian ang entablado na hindi lamang may dalang mga parangal, kundi mga bagong karanasan, alaala, at aral. Higit sa kompetisyon, naging daan ang Buwan ng Wika upang maipakita ng mga mag-aaral ang kanilang talento, mapalawak ang kanilang kaalaman, at higit na pahalagahan ang wikang Filipino sa gitna ng mabilis na pag-unlad ng teknolohiya.
Sa panahong kayang maghatid ng AI ng napakaraming impormasyon sa loob lamang ng ilang segundo, nananatiling mahalaga ang kakayahan ng tao na magtanong, magsuri, lumikha, at mag-isip. Maaaring maging tulay ang teknolohiya tungo sa mas malawak na kaalaman, ngunit ang tunay na pag-unawa at karunungan ay nananatiling nasa kamay ng tao.
๐๐ ๐ ๐๐๐ง๐ฎ๐ง๐ฎ๐ฅ๐๐ญ: Mark Jay Arquilla, Melchizedek Mandid, at Ramil Temblor
๐๐ข๐ญ๐ซ๐๐ญ๐จ: Communicators Guild Media Team
"๐๐ฌ๐ฒ๐ฏ ๐ฉ๐ฆ๐ฃ๐ข, ๐๐ฌ๐ฒ๐ฏ ๐๐จ๐ฆ๐ฉ๐ฉ๐ฐ, ๐๐ฌ๐ฒ๐ฏ ๐๐ฒ๐ฑ๐ฒ๐ฏ๐ข, ๐๐ฌ๐ฒ๐ฏ ๐๐ฒ๐ ๐ ๐ข๐ฐ๐ฐ"