EZEN EDUC BLOG

EZEN EDUC BLOG

Share

Hello everyone!! Ezen is an educational blog. Follow for more content!

15/12/2025

To My friend Rizan Abenoja,

This message may come late, but my heart could not let this moment pass without saying goodbye..

It's hard to find the right words when the heart is heavy with sorrow.

Abe, Thank you for the laughter, the memories and the friendship that will never fade. Though you are no longer with us, you will always remain in our hearts.

Rest in peace, my friend.♥️♥️

21/10/2025

“When the Light Comes Softly”

You don’t have to bloom all at once.
The morning never does.
It arrives slowly —
a whisper of gold
touching the edge of the sky.

You’ve been through nights
that stretched too long,
wrapped in the quiet weight
of your unspoken thoughts.

But look —
you’re still here.
Even in the stillness,
your heart keeps beating,
Like faith whispering, “You’re meant to keep going.”

One day,
you’ll wake and realize
the ache has softened,
the weight has lessened,
and light — gentle and familiar —
has found its way back to you.

Not because the world changed,
but because you did.
You kept hoping.
You kept believing.
You kept praying,
And that was enough
for light to reach you again.

Send a message to learn more

16/10/2025

“The Quiet Rain Inside”

A tired river,
once rushing with purpose,
now crawling through stones
that no longer listen to my song.

The sky above me stays silent—
not cruel, just distant.
I whisper to the wind,
but it passes by,
carrying comfort meant for someone else.

My heart feels like a candle
burning in an empty room—
soft light, unseen,
melting quietly into the dark.

Still, I breathe.
Still, I flow.
For even the loneliest river
finds its way to the sea,
and maybe tomorrow,
someone will stand at my shore
and finally stay.

07/10/2025

“The Moon Pretends Not to Know Me”

The stars have turned their backs tonight,
the moon pretends not to know me.
Even the wind has found another name to whisper,
and I am left with the silence—
a quiet so heavy, it drowns my heart.

I reach for echoes,
but they slip through my fingers like smoke.
The world moves,
yet I remain—
a ghost in my own story,
waiting for someone to look
and finally see me.

18/09/2025

Sweldo day na!! Ang saya!. Nung makita ko yung resibo sa ATM, feeling ko ang yaman ko na... hahhaha. Ang sarap sa pakiramdam, parang pwede na akong magpa-Jollibee treat sa sarili.

Kaya lang hindi pa man ako nakakauwi, yung pera ko nagsilabasan.
Si internet bill, kasi naghihintay, Kung hindi ko babayaran, baka mawala ang WiFi—paano ko makokontak si mahal? .. (ang harot te..)

Kasunod si insurance. Hindi ko pa nagagamit, pero hulog pa rin. Ang sakit sa bulsa, pero sige lang para sa future..

Si kuryente, lagi ring present, syempre magaan, mabilis ang buhay pag may kuryente. (Kaya mabilis rin maubos sweldo mo te...)

Si tubig, hindi nagpahuli. Kung pwede lang sana huwag nang maglaba, huwag na maligo ano, baka makakatipid tayo..

At siyempre, si utang sa tindahan. Patinge-tinge pero nang bayaran, aba ang laki na pala!

Pagkatapos, nagrocery na ako. Ang saya sa una, ang dami kong nilagay sa cart. Kaya nung magbayaran na, and dami ring naiwan sa cart...

Ang bilis ng panahon—kanina lang mayaman ako, ngayong sakto na lang pamasahe at pang-ulam.

Kala ko pag-sweldo Paldo... Paltos pala... hahahaha

17/09/2025

POV: Kape

Ano nga ba ang masarap sa kape?
Mapait ang lasa,
ngunit bakit kaya,
maraming nahuhumaling dito?

Dahil ang pait ng kape
ay hindi lamang sa dila,
kundi sa karanasang dala.
Sa bawat higop,
may init na dumadaloy,
nanunuot sa kalamnan,
tila binubuhay ang pagod na katawan.

At sa bawat lagok,
may bulong ng lakas,
paalala na kahit mahirap,
kahit mabigat,
may dahilan pa para magpatuloy.

Sapagkat sa likod ng mapait na lasa,
nakatago ang tamis ng pag-asa.
At habang may kape sa iyong kamay,
may paalala rin ito:
hangga’t humihigop ka pa,
may laban pa,
may umaga pa,
may pag-asa pa.

05/09/2025

Kanina, habang nakikinig ako sa orientation tungkol sa HMO (Health Maintenance Organization), mas naunawaan ko ang kahalagahan nito. Karaniwan, hindi natin gaanong iniisip ang mga biglaang pagkakataong maaari tayong magkasakit o mangailangan ng gamutan. Pero sa orientation, napagtanto ko na malaking bagay ang may HMO na sandalan sa ganitong mga sitwasyon.

Malaki ang naitutulong nito—mula sa check-up at laboratory tests hanggang sa suporta sa confinement. Mas magaan sa bulsa at mas panatag ang loob dahil alam mong may makakatulong kapag dumating ang oras ng pangangailangan.

Totoo rin na may mga limitasyon ito. Hindi lahat ng ospital ay saklaw at may ilang benepisyong limitado lang. Gayunpaman, napakahalaga pa rin ng pagkakaroon ng HMO.

Para sa akin, isa itong paalala na hindi dapat ipagwalang-bahala ang kalusugan. Sa huli, ang pagkakaroon ng maayos na pangangalaga ay nagbibigay daan para mas maging handa sa mga hamon ng araw-araw.

27/08/2025

POV: Ang Kape
Para sa iba, ang kape ay pampagising—
isang tulak upang kumilos,
isang sigaw upang bumangon.

Ngunit para sa akin, ang kape ay pahinga.
Sa bawat lagok, bumabagal ang magulo kong utak,
tila ba’y humihinga nang mas maluwag ang aking isip.

Kapag ang init ay dahan-dahang nanunuot sa aking kalamnan,
nararamdaman ko ang kaginhawaan,
na para bang unti-unting nilulunod ng katahimikan
ang lahat ng pagod at bigat na aking pasan.

Sa kape, natatagpuan ko ang sandaling payapa—
isang pahintulot sa sarili
na huminto, huminga, at magpahinga.

26/08/2025

Bilang isang g**o, malaki ang pasasalamat ko sa pagkakaroon ng medical allowance dahil kinikilala nito na ang kalusugan ay isa sa mga pinakamahalagang aspeto upang patuloy kaming makapaglingkod. Subalit kung tutuusin, ang ₱7,000 na halaga ay hindi na talaga sapat lalo na sa panahon ngayon na napakataas ng presyo ng mga gamot, laboratory tests, at iba pang serbisyong medikal. Sa halip na maging ginhawa, nagiging dagdag pahirap pa dahil sa komplikadong proseso ng pagkuha.

Mas mainam sana kung direkta na lamang itong ibigay bilang cash allowance, at kami na ang magpapakita ng resibo o patunay na nagamit ito sa tamang medical expenses. Sa ganitong paraan, hindi lang mas mapapadali ang proseso, kundi mas magiging makabuluhan at praktikal ang tulong. Ang layunin ng medical allowance ay upang agad na magamit ng g**o sa oras ng pangangailangan, ngunit kung masyadong maraming hinihinging proseso bago pa ito matanggap, nawawala ang tunay na diwa ng tulong na ito.

Kung tunay na hangarin ng pamahalaan na pangalagaan ang kalusugan ng mga g**o, dapat gawing mas accessible at mas mabilis ang paggamit ng benepisyong ito. Hindi dapat maging dagdag alalahanin ang allowance na nakalaan para sa aming kagalingan

Send a message to learn more

25/08/2025

Grabe, iba talaga ang saya kapag holiday! 😍 Ang sarap ng feeling na walang iniisip na trabaho o school, kundi puro bonding lang with my asawa at pamilya. Walang kasing priceless yung mga moments na sabay-sabay kaming kumakain, nagkukuwentuhan ng kung anu-ano, at nagtatawanan hanggang mapuno ang bahay ng halakhak.

Minsan simpleng movie marathon lang, minsan food trip, minsan naman kwentuhan ng mga memories at plano sa future. Pero kahit ano pa ‘yon, basta kasama ang mga mahal ko sa buhay, nagiging espesyal ang lahat. 🥰

Kaya para sa akin, ang holiday hindi lang pahinga—ito ang oras para ma-appreciate ang pamilya, ang pagmamahalan, at ang simpleng kaligayahan na magkasama-sama.

Kaya para sa akin, ang holiday = love + laughter + pagkain + family = the best formula for happiness! 💕

Send a message to learn more

21/08/2025

Sa araw-araw na pagpasok sa trabaho, ramdam ng bawat manggagawang Pilipino ang bigat ng buhay. Buwis ang binabayaran mula sa pawis at pagod, umaasang maibabalik ito sa anyo ng maayos na serbisyo, malinaw na pamamalakad, at makatarungang pamahalaan. Ngunit sa halip, madalas nating nasasaksihan na ang mga nasa posisyon, na dapat sana’y naglilingkod, ay inuuna ang sariling interes.

Hindi madaling tanggapin na habang kami, mga manggagawa, ay halos maubos ang lakas para sa pamilya, ang ilang nasa kapangyarihan ay tila walang pakundangan sa paggamit ng perang pinaghirapan ng nakararami. Sa ganitong kalagayan, madaling mawalan ng tiwala, at maramdaman na tila walang hustisya sa bansa.

Ngunit ang galit at pagkadismaya ay may kasamang panawagan: panawagan para sa mas malinis na pamahalaan, mas patas na batas, at higit sa lahat, tunay na malasakit sa mga mamamayan. Hangga’t may mga Pilipinong handang magsalita at manindigan, hindi tuluyang mawawala ang pag-asa na darating ang panahon kung saan ang buwis ng taumbayan ay tunay na magsisilbi sa kanila, at hindi sa iilan lamang.

Want your school to be the top-listed School/college in Agusan del Norte?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address

P3B. Manapa, Buenavista
Agusan Del Norte
8601