Four Things will change you life ♥️
Islamic Knowledge for Women
Información de contacto, mapa y direcciones, formulario de contacto, horario de apertura, servicios, puntuaciones, fotos, videos y anuncios de Islamic Knowledge for Women, Educación, Cobán.
16/05/2020
PAMAMARAAN NG PAGDASAL NG EID SA LOOB NG TAHANAN
Kung sakali hindi maisagawa ang Salatul Eid sa pampublikong lugar o sa Masjid ay maaari ito isagawa sa loob ng tahanan ng walang kahirap-hirap.
ANG SIMPLING PAMAMARAAN NG SALATUL EID AY ANG MGA SUMUSUNOD:
1-Maaaring isagawa ang Dasal ng Eid sa loob ng tahanan na indibidwal o Jamaah na kasama ang pamilya,
* WALA PONG ISASAGAWANG KHUTBAH!!
2-Ang oras ng Dasal ng Eid ay magsisimula approximately 15 minutes pagkalipas ng pagsikat ng araw at magtatapos ang oras nito sa pagpasok ng dasal ng Dhuhor.
3-Ang pinaka mainam sa mga magdarasal ng Eid ay nasa kalagayan ng ganap na kalinisan,
Kaya mainam munang maligo, magpabango (ang babae ay maaari magpabango kung lahat ng kasama sa pagdasal ay puro mahram), magsuot ng malinis at magandang damit etc..
4-Ang Salatul Eid ay walang isasagawang Azan (bang) at wala ring Iqamat (qamat),
5-Ang pagdasal ng Salatul Eid ay dalawang tayo lamang (2 Rakaat).
6- Ang pagdasal ng Salatul Eid ay katulad lang din ng pagdasal ng Salatul Fajr.
-Ang tanging kaibahan lamang ng Salatul Eid ay may karagdagang pagbigkas ng Allahu Akbar bago simulan ang pagbasa ng Fatiha sa unang tayo ng anim o pito,
at limang takbeer naman sa pangalawang tayo.
-Ang dasal ng Eid ay nilalaksan din ng Imam ang kanyang boses.
-Kung sakali mag isa kalang magsalah ay maaari mo laksan o maaarig hindi laksan.
-Sa mga kababaihan, ay sapat lamang na kanilang marinig ang kanilang boses at huwag ng lalaksan na katulad nang sa mga lalaki.
7-Ganito isasagawa ang Dasal ng Eid:
a-Kapag ang lahat ay nakatayo na at handa ng isagawa ang dasal ng Eid ay mauna munang magsagawa ng Niyyat (hangarin).
-Ang Niyyat ay kaalaman ng puso at isipan sa dasal na nais isagawa,.
- kaya bago umpisahan bigkasin ang: “Allahu Akbar” ay isapuso at isaisip na ikaw ay magdasal ng Salatul Eid at umpisahan na agad sa pagsambit ng: “Allahu Akbar”.
-Wala pong binabasang USALLI dahil ito ay gawaing Bid’ah, kaya ang Niyyat ay simpli at huwag itong gawing mahirap.
b-Pagkatapos bigkasin ang: “Allahu Akbar” ay bigkasin ang:
“Subhanaka Allahumma wa bihamdika wa tabarakasmuka, wa ta’ala jadduka wa la ilaha ghairuk”
c-Muli, bigkasin ang: “ALLAHU AKBAR NG ANIM O PITONG BESES”
Sa tuwing bigkasin ang: “Allahu Akbar” ay itaas ang dalawang kamay hanggang sa tapat ng balikat o ilalim ng tainga na nakabukas ang dawalang palad at nakaharap sa Qibla.
-Wala pong bibigkasing Dua sa mga pagitan ng pagbigkas ng “Allah Akbar” dahil wala pong naitala mula sa Propeta na kanya itong binasa.
Naiulat mula kay Ibn Mas’ood na siya ay pumupuri sa kanyang panginoon, nagsagawa ng Salawat sa propeta at nananalangin sa pagitan ng bawat Takbeer, Ngunit ang pinaka mainam sa lahat ay wala na pong bibigkasing dua sa pagitan ng Takbeer.
d-Kapag natapos ng Bigkasin ang Allahu Akbar ay bigkasin ang”Auzo billahi minas shaitanir rajeem, isunod ang"Bismillahir rahmanir raheem" at bigkasin na ang Fatiha.
e-Kapag natapos bigkasin ang Fatiha ay basahin ang Soorah Al- A’ala,
- Kung sakali hindi ito nakasaulo ay maaaring bumasa ng anumang Soorah na nais.
f- Sa pangalawang pagtayo (second Rakaat), bago mag-umpisa bumasa ng Fatiha ay bigkasin ang “Allahu Akbar ng limang beses”
-Pagkatapos ay simulan agad ng pagbasa ng Fatiha at basahin ang Soorah Al’gha’shiya,
-Kung sakali hindi ito nakasaulo ay maaaring bumasa ng anumang Soorah na nais.
g- Isagawa ang pagdarasal na ito na katulad ng pagdasal ng Fajr (Subuh).
h-Pagkatapos magsagawa ng SALAM (tasleem) ay wala pong natatanging Dua na binibigkas dito
DAGDAG KAALAMAN:
-Kung sakali nakalimutan niyang bigkasin ang pagbigkas ng Karagdagang takbeer sa unang Rakaat at pangalawang Rakaat ay hindi na siya obligadong magsagawa ng Sujiod Sahwi.
-Kung sakali siya ay huling dumating sa Jamaah at hindi na inabutan ang pagbigkas ng Imam sa mga karagdagang Takbeer ay hindi na niya ito bibigkasin.
-Mainam bigkasing Soorah sa unang Rakaat ay Ang Soorah Al’ala o di kaya ay Soorah AL-QAF.
- Sa pangalawang Rakaat ay Soorah Al’gha’siya o di kaya ay Soorah Al’qamar.
-Kung sakali hindi nakasaulo ang nasabing mga Soorah ay gumamit nalang kung ano ang Soorah na nakasaulo na nais niyang basahin.
16/05/2020
PAANO TAYO MAGSASALAH NG SALATUL EID SA BAHAY DAHIL SA PANAHONG MAYRON TAYO NGAYON !?!
👉 TANDAAN: Kung payagan kayo magsalah sa Masjid o sa Labas ng Masjid ay ang Imam na sa inyong Lugar ang bahala sa Salatul Eid ninyo. Kung hindi man kayo payagan, bawat pamilya ay magsasalah sa Loob ng bahay.
____________________________________________
• Ang Salatul Eid ay idinadaos o sinasalahan sa Masjid o Di kaya'y sa Labas ng Masjid sa isang malawak na Lugar.
Subalit ng dahil sa kalagayan natin ngayon (Lockdown) ay naglabas ang ating mga Iskolar ng Fatwa na ang Salatul Eid ay Pwedeng salahan sa Bahay.
Ibig sabihin, pwedeng salahan ng bawat pamilya ang Salatul Eid sa kani-kanilang bahay.
Kaya, MAHALAGANG MATUTUNAN NATIN ANG PARAAN NG PAG-SASALAH NG SALATUL EID.
👉 NARITO ANG DETALYADONG PARAAN NG PAGSASALAH NG SALATUL EID:
Ang unang dapat maunawaan ay WALANG KHUTBAH NA GAGAWIN SA SALATUL EID SA BAHAY.
Ang tanging gagawin lamang ay ANG SALATUL EID AT WALA NG KHUTBAH. Yan po ang unang dapat maunawaan.
• ANG ORAS NG SALATUL EID AY PAGKARAANG SUMIKAT ANG ARAW NG ILANG MINUTO (20 minutes after Sunrise) HANGGANG SA HINDI DUMARATING ANG ORAS BAGO ANG DHOHUR.
HALIMBAWA: Kung ang Sunrise ay 5:30 or 5:40 ay Pwede nang Salahan ang Salatul Eid ng 6 am.
Mas mainam sa Edil Fitr na Mejo ipahuli Kunti ang Salah (ex. 7 am) para may oras pa ang iba na magbigay ng Zakatul Fitr.
• DALAWANG RAK'AH ANG SALATUL EID.
• WALA NG ADHAN O IQÁMAH ANG SALATUL EID.
• SA UNANG RAK'AH AY MAGTATAKBIR SIYA NG PITONG TAKBIIR KASAMA ANG TAKBIRATUL IHRAM.
👉 PAGPAPALIWANAG:
Pagtakbir niya ng Takbiratul Ihram (Unang Takbiir) ay babasahin niya ang Duah Istiftaah (Subhánaka llahumma wabihamdik, watabáraka Ismuuk, Wata'ala Jadduk, Walá iláha gayruk).
Pagkaraan ng Duah Istiftaah ay magtatakbir siya ng Anim na Takbiir, at ito ang babasahin sa bawat Takbiir:
(Maraming uri ang nabanggit ng mga Iskolar, at kabilang ito)
" SUBHÁNALLAH WAL HAMDULILLAH WALLAHU AKBAR. ALLAHUMMA SALLI ALA MUHAMMAD."
Pagkatapos ng Anim na Takbiir ay mag-uumpisa na s'ya magbasa:
'A'udhubillahi Minsshaytan nirrajiim', Pagtakapos ay babasahin niya ang SÚRAH AL-FÁTIHA, pagkatapos nito ay magbabasa siya ng SÚRAH O ÁYAH.
Ang Sunnah na babasahing Suurah sa Unang Rak'ah ay ang SUURATUL A'LAH at sa Ikalawang Rak'ah ay SÚRAH AL-GÁSHIYA. At kung hindi naisaulo ang dalawa na ito ay kahit anong Suurah o Ayah na kaya nyang Basahin.
• AT SUNNAH NA PINAPALAKAS ANG BOSES SA PAGBABASA.
Pagkatapos ay mag-Rurukooh at magsusujod na siya nang katulad ng ginawa sa ibang Salah.
• SA IKALAWANG RAK'AH NAMAN AY MAGTATAKBIR SIYA NG ANIM NA TAKBIIR KASAMA ANG TAKBIIR MULA SA PAGBANGON NIYA SA SUJOOD.
Ibig sabihin, pagtakbir at pagtayo niya mula sa Sujood ay MAGTATAKBIR SIYA NG LIMANG BESES (Bale Anim lahat).
Ang gagawin niya sa ikalawang Rak'ah ay katulad ng ginawa niya sa Unang Rak'ah na kung saang babasahin niya sa bawat takbiir ang nabanggit natin na binabasa sa bawat takbiir.
Pagkaraan ng Anim na Takbiir ay saka siya magbabasa ng Fátiha at Suurah al-Gáshiyah.
Pagkatapos nito ay magrurukooh at magsusujod na tayo ng katulad ng ginagawa sa ibang salah hanggang sa Tasliim.
AT DITO NAGTATAPOS ANG SALATUL EID.
👉 ILANG SA MAHAHALAGANG PAALALA:
• Ang Paraang ng Pagsaf (Linya) sa Salah ay katulad ng ating ginagawa, na ang mga kababaihan ay sa Likod.
• Hindi Pwede magsalah ang May Hayd (Mens) o Nifas.
• Kung mag-isa ka ay pwede ka ding magsalah ng Salatul Eid sa Bahay.
• Sunnah ang pagligo, pagsuot ng magandang damit at ang pagpapabango liban sa kababaihan (kung may lalakeng kasabay na hindi niya mahram).
• Sunnah ang pagtakbir hanggang sa bago mag-umpisa ang Salah:
ALLAHU AKBAR, ALLAHU AKBAR , LÁ ILÁHA ILLALLAHU ALLAHU AKBAR, ALLAHU AKBARU WALILLAHIL HAMD.
• Wala na pong Boluntaryong Salah na sasalahan Before o after ng Salatul Eid.
• Pwede po magbatian sa Eidl Fitr ng " TAQABALLALLAHU MINNÁ WA MINKUM".
(Tanggapin nawa sa inyo ni Allah at sa amin ang lahat ng Mabuting gawa.)
• Sunnah po na magsalo-salo sa kainan bilang pagdiriwang ng Eidl Fitr, at iba pang pagsasaya. Ang mahalaga ay walang halong Haram sa pagdiriwang.
👉 Sana'y naging malinaw sa inyo ang paraan ng Salatul Eid sa pamamagitan ng maiksing pagpapaliwanag na ito.
Kung mayron man kayong katanungan o lilinawin ay icomment nyo lang po.
Ako po'y bumabati sa inyo ng AL-MUBAARAK sa inyong lahat.
TANGGAPIN NAWA NI ALLAH ANG LAHAT NG ATING MABUBUTING GAWA SA BUWAN NA ITO. ÁMEEN YA RABB.
✍ (Abu Haneen) Nasruddin Ibn Abdullah
Qassim University, KSA
11/05/2020
The heart acquired rust through heedless was and sins, and it is polished by seeking forgiveness and the remembrance of Allah.
The messenger of Allah, peace and blessings be upon him said, “Keep your tongue moist with the remembrance of Allah.” (Sunah al- Tirmidhī 3375-Grade: Sahih) ❣️
11/05/2020
RAMADHAN REMINDER! 🤲🏻👆🏼💕
Haga clic aquí para reclamar su Entrada Patrocinada.
Localización
Categoría
Página web
Dirección
Cobán