07/11/2025
Magingat po tayong lahat.
-O
🚨 𝗪𝗘𝗔𝗧𝗛𝗘𝗥 𝗔𝗟𝗘𝗥𝗧 | 𝗕𝗮𝗴𝘆𝗼𝗻𝗴 #𝗨𝘄𝗮𝗻𝗣𝗛 (𝗙𝗨𝗡𝗚-𝗪𝗢𝗡𝗚)
Mga kaserBISEyo, maghanda na!
Papasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Severe Tropical Storm UWAN (FUNG-WONG) mamayang gabi o bukas ng madaling araw — at inaasahang lalakas pa hanggang maging typhoon o posibleng super typhoon bago ito tumama sa lupa!
Kasalukuyang lakas ng bagyo:
• Hangin: 110 km/h
• Bugso: 135 km/h
• Galaw: Pa-kanluran sa bilis na 25 km/h
• Lawak: Hangin at ulan hanggang 780 km mula sa gitna — ibig sabihin, kahit hindi direktang daanan, maaapektuhan pa rin tayo dito sa Calamba!
Signal #1 na sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas (Bicol, Samar, Leyte, Cebu, at iba pa). Wala pa sa ngayon sa Calamba, pero huwag maging kampante. Ayon sa forecast, posibleng maranasan ng CALABARZON ang malalakas na ulan at bugso ng hangin pagsapit ng weekend.
𝙀𝙈𝙀𝙍𝙂𝙀𝙉𝘾𝙔 𝙍𝙀𝙈𝙄𝙉𝘿𝙀𝙍𝙎 𝙋𝘼𝙍𝘼 𝙎𝘼 𝙈𝙂𝘼 𝘾𝘼𝙇𝘼𝙈𝘽𝙀Ñ𝙊:
🤙🏻 I-charge na ang mga cellphone at flashlight.
🤙🏻 Ihanda ang go bag o emergency kit (tubig, pagkain, gamot, flashlight, powerbank, damit, whistle).
🤙🏻 Siguraduhin ang bubong, bintana, at mga gamit na pwedeng liparin ng hangin.
🤙🏻 I-check kung may malapit na evacuation center at planuhin ang ligtas na ruta.
🤙🏻 Huwag na munang lumabas kung hindi kailangan — stay indoors at stay informed.
MANATILING NAKA-ANTABAY! Patuloy na mag-monitor sa mga opisyal na update ng PAGASA at CDRRMO-Calamba para sa mga anunsyo tungkol sa ulan, pagbaha, at posibleng evacuation.
Cc: Angelito Lazaro