Ang Balani-Balian INHS

Ang Balani-Balian INHS Ang Opisyal na Pahayagan ng Balian, Integrated National High School - Balian, Pangil, Laguna

"Ang panulat ay hindi lamang kasangkapan sa pagsulat; ito ay sandata laban sa pananahimik."Sa pagtatapos ng Taong Pampan...
31/03/2026

"Ang panulat ay hindi lamang kasangkapan sa pagsulat; ito ay sandata laban sa pananahimik."

Sa pagtatapos ng Taong Pampanuruan 2025-2026 ay naging saksi ang pahayagang Ang Balani sa napakaraming kwento ng mga manunulat na buong tapang naghayag ng katotohanan na may husay, integridad at prinsipyo. Sa bawat isyu at pangyayari na iniulat ay naging kaakibat ang mga araw na walang tulog matagpuan lang ang katotohanan.

Ngunit, magpapaalam na ang mga natatanging mga mamamahayag na naging bahagi ng Ang Balani hanggang sa puntong ito. Paalam sa puyatan sa layout at pagrerepaso ng mga articles.

Salamat sa mga g**o na naggabay sa amin at inalalayan kami sa paglalakbay na ito. Hindi matatawaran ang inyong tinuro at tinulong sa amin.

Salamat sa mga mamamahayag na naging katuwang sa paghahatid ng totoo at walang kinikilingang balita at gayundin sa mga mambabasa na siyang dahilan
sa aming paglilingkod at para kami ay magpatuloy.

Hindi natatapos ang misyon sa huling tuldok ng aming mga artikulo. Ang pag-alis ng mga kasalukuyang mamamahayag ay hindi paglisan sa prinsipyo, kundi isang paglipat ng sulo sa mga susunod na kamay na may kaparehong alab.

PADAYON, BATCH 2026!! 🎓

𝘽𝘼𝙇𝙄𝙏𝘼 | 𝘾𝙖𝙧𝙚𝙚𝙧 𝙖𝙣𝙙 𝙎𝙘𝙝𝙤𝙤𝙡𝙨 𝙁𝙖𝙞𝙧 2026, 𝙣𝙖𝙜𝙗𝙞𝙜𝙖𝙮-𝙠𝙖𝙖𝙡𝙖𝙢𝙖𝙣 𝙥𝙖𝙩𝙪𝙣𝙜𝙠𝙤𝙡 𝙨𝙖 𝙞𝙗𝙖'𝙩 𝙞𝙗𝙖𝙣𝙜 𝙠𝙪𝙧𝙨𝙤 𝙨𝙖 𝙠𝙤𝙡𝙚𝙝𝙞𝙮𝙤 𝙖𝙩 𝙩𝙧𝙖𝙗𝙖𝙝𝙤Marso 10, ...
10/03/2026

𝘽𝘼𝙇𝙄𝙏𝘼 | 𝘾𝙖𝙧𝙚𝙚𝙧 𝙖𝙣𝙙 𝙎𝙘𝙝𝙤𝙤𝙡𝙨 𝙁𝙖𝙞𝙧 2026, 𝙣𝙖𝙜𝙗𝙞𝙜𝙖𝙮-𝙠𝙖𝙖𝙡𝙖𝙢𝙖𝙣 𝙥𝙖𝙩𝙪𝙣𝙜𝙠𝙤𝙡 𝙨𝙖 𝙞𝙗𝙖'𝙩 𝙞𝙗𝙖𝙣𝙜 𝙠𝙪𝙧𝙨𝙤 𝙨𝙖 𝙠𝙤𝙡𝙚𝙝𝙞𝙮𝙤 𝙖𝙩 𝙩𝙧𝙖𝙗𝙖𝙝𝙤

Marso 10, kasalukuyang isinasagawa ang Career and Schools Fair 2026 sa Balian INHS covered court na may layuning magpakilala ng iba't ibang unibersidad upang gabayan sa pagpili ang mga baitang 12 na mag- aaral.

Dagdag pa rito, dumalo rin ang Public Employment Service Office (PESO) upang mag pakilala at mag-gabay patungkol sa trabaho.

ni: Ysabella Cantillo
Litrato at Anyo ni: Lyle Limlengco

𝙄𝙆𝘼-40 𝙉𝘼 𝘼𝙉𝙄𝘽𝙀𝙍𝙎𝘼𝙍𝙔𝙊 𝙉𝙂 𝙀𝘿𝙎𝘼 𝙋𝙀𝙊𝙋𝙇𝙀 𝙋𝙊𝙒𝙀𝙍 𝙍𝙀𝙑𝙊𝙇𝙐𝙏𝙄𝙊𝙉"Sana walang pasok""Bakit yung ibang bayan walang pasok?""Yes, wala...
25/02/2026

𝙄𝙆𝘼-40 𝙉𝘼 𝘼𝙉𝙄𝘽𝙀𝙍𝙎𝘼𝙍𝙔𝙊 𝙉𝙂 𝙀𝘿𝙎𝘼 𝙋𝙀𝙊𝙋𝙇𝙀 𝙋𝙊𝙒𝙀𝙍 𝙍𝙀𝙑𝙊𝙇𝙐𝙏𝙄𝙊𝙉

"Sana walang pasok"
"Bakit yung ibang bayan walang pasok?"
"Yes, walang pasok"

Bakit nga ba pinagtatalunan ng nakararami ang araw na ito kung may pasok ba o wala?

Ngayong Ika- 25 ng Pebrero, ating ginugunita ang pagkakaisa ng mamamayang Pilipino na lumaban para sa paglaya ng bansa mula sa diktaduryang rehimen ni Pangulong Ferdinand Marcos Sr. noong 1986, 40 taon nang nakalipas. Naging daan ito sa pagkamit ng demokrasya sa ating bansa. Kabilang sa tinatamasa ng demokrasyang ito ang kalayaan sa pamamahayag.

Bunga ng kawalan ng takot at determinasyon na mapalaya ang bansa sa mapaniil na pamumuno ng dating rehimen, napagtagumpayan ng mga mamamayang Pilipino ang kalayaang ating nararanasan hanggang sa ngayon. Ang pagsasakripisyo at adhikain ng mga nakiisa sa rebolusyong ito ay nararapat lamang na ipagpatuloy at hindi makalimutan ng mga susunod na henerasyon.




ni: Ysabella Cantillo
Anyo ni: Lyle Limlengco

𝙃𝙄𝙂𝙃𝙇𝙄𝙂𝙃𝙏𝙎 | 𝙋𝙍𝙊𝙅𝙀𝘾𝙏 𝙏𝙄𝘽𝙊𝙆, 𝙉𝘼𝙂𝙄𝙉𝙂 𝙎𝙀𝙉𝙏𝙍𝙊 𝙉𝙂 𝙆𝘼𝙎𝙄𝙔𝘼𝙃𝘼𝙉 𝙎𝘼 𝘽𝙄𝙉𝙃𝙎Umapaw ang saya at kilig sa Balian INHS nang matagumpay n...
13/02/2026

𝙃𝙄𝙂𝙃𝙇𝙄𝙂𝙃𝙏𝙎 | 𝙋𝙍𝙊𝙅𝙀𝘾𝙏 𝙏𝙄𝘽𝙊𝙆, 𝙉𝘼𝙂𝙄𝙉𝙂 𝙎𝙀𝙉𝙏𝙍𝙊 𝙉𝙂 𝙆𝘼𝙎𝙄𝙔𝘼𝙃𝘼𝙉 𝙎𝘼 𝘽𝙄𝙉𝙃𝙎

Umapaw ang saya at kilig sa Balian INHS nang matagumpay na idaos ng Supreme Secondary Learners Government (SSLG) ang Project TIBOK. Tampok sa aktibidad ang iba't ibang booth na inilatag sa 'covered court', na pinangunahan at inihandog ng mga organisasyon ng paaralan.

Naging sentro ito ng kasiyahan at pakikilahok ng mga mag-aaral, na patuloy na nagpapakita ng aktibong samahan at masiglang komunidad sa loob ng paaralan.

Kapsyon at Litrato ni: Ysabella Cantillo

𝘽𝘼𝙇𝙄𝙏𝘼 | 𝘽𝙄𝙉𝙃𝙎 𝙌𝙐𝘼𝙍𝙏𝙀𝙍𝙇𝙔 𝙍𝙀𝘾𝙊𝙂𝙉𝙄𝙏𝙄𝙊𝙉 Nagsagawa ng pagpaparangal para sa mga mag-aaral na nakapag kamit ng karangalan han...
10/02/2026

𝘽𝘼𝙇𝙄𝙏𝘼 | 𝘽𝙄𝙉𝙃𝙎 𝙌𝙐𝘼𝙍𝙏𝙀𝙍𝙇𝙔 𝙍𝙀𝘾𝙊𝙂𝙉𝙄𝙏𝙄𝙊𝙉

Nagsagawa ng pagpaparangal para sa mga mag-aaral na nakapag kamit ng karangalan hanggang sa pinakamataas na karangalan, at sa mga mag-aaral na nagkaron ng pwesto sa mga iba't ibang paligsahan, noong Pebrero 09, 2026 sa Balian INHS Covered Court.

Kapsyon ni: Lyle Limlengco
Litrato ni:Ashley Kiel Aguilar at Jamaha Tanya Domingo

𝙉𝙂𝘼𝙔𝙊𝙉 | 𝙈𝙄𝙏𝙄𝙉𝙂 𝘿𝙀 𝘼𝙑𝘼𝙉𝘾𝙀:MGA BAGONG KANDIDATO PARA SA PAMPAARALANG GOBYERNOPebrero 5, nagpapakilala na ang mga kandidat...
05/02/2026

𝙉𝙂𝘼𝙔𝙊𝙉 | 𝙈𝙄𝙏𝙄𝙉𝙂 𝘿𝙀 𝘼𝙑𝘼𝙉𝘾𝙀:
MGA BAGONG KANDIDATO PARA SA PAMPAARALANG GOBYERNO

Pebrero 5, nagpapakilala na ang mga kandidatong tatakbo bilang opisyal ng Supreme Secondary Learners Government (SSLG) sa ginaganap na Miting de Avance, na kasalukuyang inihaharap para sa mga mag-aaral ng baitang 7 at 10.

Layunin ng Miting de Avance na magsilbing pormal na kampanyang pampaaralan, kung saan inilalahad ng mga kandidato ang kanilang mga plataporma at bisyon para sa komunidad ng mga mag-aaral.

Ito rin ang nagsisilbing huling aktibidad bago ang araw ng halalan, na nagbibigay-daan sa mga mag-aaral na suriin ang mga kandidato at makagawa ng matalinong pasya sa pagboto.

Kapsyon ni: Ysabella Cantillo
Litrato ni: Lyle Limlengco

"𝘈𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘭𝘶𝘯𝘢𝘴 𝘴𝘢 𝘱𝘦𝘬𝘦𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘭𝘪𝘵𝘢 𝘢𝘺 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘵𝘰𝘵𝘰𝘩𝘢𝘯. 𝘈𝘯𝘨 𝘪𝘴𝘵𝘰𝘳𝘺𝘢"  — 𝙅𝙚𝙨𝙨𝙞𝙘𝙖 𝙎𝙤𝙝𝙤Binabati ang pahayagang Ang Balani dah...
19/01/2026

"𝘈𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘭𝘶𝘯𝘢𝘴 𝘴𝘢 𝘱𝘦𝘬𝘦𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘭𝘪𝘵𝘢 𝘢𝘺 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘵𝘰𝘵𝘰𝘩𝘢𝘯. 𝘈𝘯𝘨 𝘪𝘴𝘵𝘰𝘳𝘺𝘢" — 𝙅𝙚𝙨𝙨𝙞𝙘𝙖 𝙎𝙤𝙝𝙤

Binabati ang pahayagang Ang Balani dahil sa natamo nitong tagumpay sa nakaraang Division School's Press Conference 2025:

🏅Ika-9 na Pwesto sa Pahinang Lathalain

Magpatuloy nawa ang paglilingkod at pagbigay ng liwanag sa aming pahayagan,
Padayon!

𝗗𝗜𝗩𝗜𝗦𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗖𝗛𝗢𝗢𝗟𝗦 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗦 𝗖𝗢𝗡𝗙𝗘𝗥𝗘𝗡𝗖𝗘 𝟮𝟬𝟮𝟱 | Pagbati sa mga mamamahayag ng 'Ang Balani' na nakapagkamit ng pwesto sa nakaraa...
06/12/2025

𝗗𝗜𝗩𝗜𝗦𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗖𝗛𝗢𝗢𝗟𝗦 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗦 𝗖𝗢𝗡𝗙𝗘𝗥𝗘𝗡𝗖𝗘 𝟮𝟬𝟮𝟱 |

Pagbati sa mga mamamahayag ng 'Ang Balani' na nakapagkamit ng pwesto sa nakaraang Division Schools Press Conference.

🏅Ika-4 na Pwesto sa Pagsulat ng iSports
Audrey Mikyla Anillo

🏅ika-5 Pwesto sa Pagsulat ng Agtek
John Aeron Aquino

Nawa ang husay nyo sa pagsulat ay makapagbigay pa ng inspirasyon para sa iba pang mamamahayag tulad niyo. Taos-puso rin kaming nagpapasalamat kay Bb. Donna Mae Paygane, Gng. Leilani Vizarra at Bb. Ricarose Uson sa walang-sawang na paggabay sa ating mga mamamahayag tungo sa sa kanilang tagumpay!

Anyo at Kapsyon ni: Lyle Limlengco

𝐍𝐆𝐀𝐘𝐎𝐍 | ORYENTASYON SA JDVP PARA SA TVL, ISINASAGAWASa pamumuno ng Balian INHS-JDVP (𝐉𝐨𝐢𝐧𝐭 𝐃𝐞𝐥𝐢𝐯𝐞𝐫𝐲 𝐕𝐨𝐮𝐜𝐡𝐞𝐫 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦) 'F...
14/11/2025

𝐍𝐆𝐀𝐘𝐎𝐍 | ORYENTASYON SA JDVP PARA SA TVL, ISINASAGAWA

Sa pamumuno ng Balian INHS-JDVP (𝐉𝐨𝐢𝐧𝐭 𝐃𝐞𝐥𝐢𝐯𝐞𝐫𝐲 𝐕𝐨𝐮𝐜𝐡𝐞𝐫 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦) 'Focal Person' Jo Ann L. Tapeño, binibigyang impormasyon ang mga mag-aaral katuwang ang kanilang mga magulang patungkol sa mga alituntunin ng JDVP sa 'strand' na TVL ( Technical Vocational Livelihood) ng baitang 12.

Kapsyon ni: Ysabella Cantillo
Litrato ni: Jamaha Tanya Domingo at Ashley Kiel Aguilar

Congratulations! We are proud of you!👏🏻👏🏻👏🏻
02/11/2025

Congratulations! We are proud of you!👏🏻👏🏻👏🏻

𝗕𝗔𝗟𝗜𝗧𝗔 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡 | Nag-anunsyo ang Gobernador ng Laguna, Gob. Sol Aragones na wala munang 'Face-to-Face Classes' mula bukas...
13/10/2025

𝗕𝗔𝗟𝗜𝗧𝗔 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡 | Nag-anunsyo ang Gobernador ng Laguna, Gob. Sol Aragones na wala munang 'Face-to-Face Classes' mula bukas, Oktubre 14 hanggang Oktubre 31, 2025 dulot ng posibleng banta ng lindol.

Pinapayuhan ang lahat ng mag-aaral at g**o na maging handa sa paglikas, at sumubaybay sa anunsyo ng lokal na pamahalaan.

Mag-ingat palagi mga Balianense!

MDRRMO:
0945-819-3181

MSWDO PANGIL:
0923-020-9023

PANGIL MPS:
0998-598-5661

PANGIL BFP:
0985-770-5514

Endereço

Candelaria Street Balian, Pangil
Laguna

Notificações

Seja o primeiro recebendo as novidades e nos deixe lhe enviar um e-mail quando Ang Balani-Balian INHS posta notícias e promoções. Seu endereço de e-mail não será usado com qualquer outro objetivo, e pode cancelar a inscrição em qualquer momento.

Atalhos

Compartilhar