09/07/2026
#𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐂𝐀𝐃𝐕𝐈𝐒𝐎𝐑𝐘 | 𝐇𝐈𝐍𝐀𝐘
Alinsunod sa DepEd Order No. 014, s. 2026, walang face-to-face classes sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan sa Bayan ng Nagcarlan ngayong araw, Hulyo 10, 2026 (Biyernes).
Sa halip, ipagpapatuloy ang pagpapatupad ng Hybrid Asynchronous Learning (HINAY) bilang bahagi ng Learning Continuity in Emergencies upang matiyak ang tuloy-tuloy na pagkatuto ng mga mag-aaral sa kabila ng umiiral na sitwasyon.
Pinapayuhan ang lahat ng mga mag-aaral at mga magulang na makipag-ugnayan sa kani-kanilang paaralan hinggil sa mga learning activities, mga itinakdang gawain, at iba pang mahahalagang anunsyo kaugnay ng pagpapatupad ng HINAY.
Patuloy ding pinapayuhan ang publiko na mag-ingat at manatiling nakaantabay sa mga opisyal na anunsyo at abiso mula sa Lokal na Pamahalaan ng Nagcarlan, Department of Education (DepEd), at Nagcarlan Public Information Office.
Alamin ang apat (4) na antas ng Learning Continuity in Emergencies sa link na ito:
https://pia.gov.ph/news/deped-issues-guidelines-on-learning-continuity-during-emergencies/