02/06/2026
📢 BRIGADA ESKWELA 2026 KICK-OFF! 📢
Kahapon, Hunyo 1, 2026, opisyal nating sinisimulan ang Brigada Eskwela 2026 na may temang "Bayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman"
Ang Pambuhan National High School ay taos-pusong nagpapasalamat sa lahat ng mga Magulang, Alumni, Barangay officials, Stakeholders, Volunteers, PTA, LGU- Mercedes, DOLE-Cam.Norte , G**o, Estudyante at iba pang katuwang na naglaan ng kanilang oras, talento, at suporta upang maihanda ang ating paaralan para sa nalalapit na pagbubukas ng klase.
Sa pamamagitan ng pagkakaisa at bayanihan, makakalikha tayo ng isang ligtas, malinis, at kaaya-ayang kapaligiran para sa ating mga mag-aaral.
💙 Sama-sama tayong magbrigada!
💛 Sama-sama tayong magtagumpay!