04/09/2026
Buong pagmamalaking ipinagdiriwang ng Genius MILA Barsha Heights ang husay, pagkamalikhain, at tiwala sa sarili ng ating mga mag-aaral sa Pagsasakatao (Filipino Icon Impersonation) bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026.
Sa kanilang makukulay na kasuotan at kahanga-hangang pagtatanghal, binigyang-buhay ng ating mga mag-aaral ang iba't ibang kilalang personalidad at ikonong Pilipino, na nagpapakita ng kanilang pagpapahalaga sa ating kultura, kasaysayan, at pagkakakilanlan bilang Pilipino.
Taos-pusong pagbati sa lahat ng nagwagi at lumahok! Ang inyong pagsisikap, talento, at tapang na humarap sa entablado ay tunay na karapat-dapat kilalanin at ipagmalaki.
Maraming salamat din sa ating mga g**o, magulang, hurado, at buong komunidad ng Genius MILA sa walang sawang suporta at pakikiisa upang maging matagumpay at makabuluhan ang pagdiriwang na ito.
Mabuhay ang wikang Filipino! Mabuhay ang kulturang Pilipino! ๐ต๐ญ