23/06/2026
kung sasabihin mo sakin noon na mapupunta ako sa trading, di ko din alam no. ito lang din yung simula ng storya ko kung paano ako nag start sa mundo ng trading.
na-curious sa crypto, NFTs, at paano kumuha ng internet moollah.
akala ko noon madali lang.
pero habang tumatagal, dun ko narealize na hindi pala pera ang pinakamahirap kitain.
disiplina.
consistency.
at yung kakayahang bumangon pagkatapos ng mga pagkakamali.
marami akong maling desisyon.
marami ring natalo.
pero bawat talo may kapalit na aral at unti-unti kong naintindihan na ang trading hindi tungkol sa get rich quick scheme.
skill siya na habang mas pinag-aaralan mo, mas nagiging valuable.
hanggang sa dumating sa punto na hindi lang ako natututo para sa sarili ko at sa ngayon nakakapag bigay narin ng value sa ibang traders na nasa parehong journey.
at sa totoo lang, nagsisimula pa lang tayo. 🤝
disclaimer: trading carries risk, past profits do not guarantee future results.