𝗠𝘂𝗵𝗮𝗺𝗺𝗮𝗱 𝗔𝗹𝗶 𝗚𝗿𝗮𝗻𝗮𝗱𝗲𝗿

𝗠𝘂𝗵𝗮𝗺𝗺𝗮𝗱 𝗔𝗹𝗶 𝗚𝗿𝗮𝗻𝗮𝗱𝗲𝗿

Comments

Assalamo alaycom ustaz mirr pwede po papost ulit nung post nio mga bagay na nakkasira sa pag aayuno hinahanap ko hindi ko na makita matagal na kc un salamat po. Ghazakallahu khair. Silent stalker here✌✌
Ang DU'A pagkatapos basahin ang buong QUR’ĀN ay tinutugon.

Ayon kay Al-Hakam bin 'Utaibah - nawa’y kahabagan siya ng Allah -: Pinatawag ako ni Mujahid (bin Jabr, isang tanyag mula sa mga Tabi'in), at kanyang sinabi:

إِنَّمَا دَعَوْنَاكَ أَنَّا أَرَدْنَا أَنْ نَخْتِمَ الْقُرْآنَ، وَإِنَّهُ بَلَغَنَا أَنَّ الدُّعَاءَ يُسْتَجَابُ عِنْدَ خَتْمِ الْقُرْآنِ.

"Tinawag ka namin dahil gusto naming i-khatm (tapusin ang pagbabasa) ang Qur'an, at tunay na umabot sa amin na ang du'a ay tinutugon sa oras ng pag-khatm ng QUR’ĀN."
قَالَ: فَدَعَوْا بِدَعَوَاتٍ.

At sila'y nag-du'a ng mga du'a. [Isinalaysay ni Imam Ad-Dārimi, sahih ang sanad nito].

Sinabi ni Thābit Al-Bunāni - رحمه الله -:

كَانَ أَنَسٌ إِذَا خَتَمَ الْقُرْآنَ جَمَعَ وَلَدَهُ وَأَهْلَ بَيْتِهِ فَدَعَا لَهُمْ.

"Kapag natapos na ni Anas (رضي الله عنه) ang Qur’an tinitipon niya ang kanyang mga anak at mga kasapi ng pamilya, at siya ay nananalangin para sa kanila.' [Isinalaysay ni Imam Ad-Dārimi, sahih ang sanad nito].

Si Imam Al-Bukhari - رحمه الله - ay palagi niyang tinatapos ang pagbabasa ng buong QUR’ĀN sa Ramadan araw-araw, at tinatapat niya ito sa panahon ng Iftar, at sinasabi niya na:

عند كل ختم دعوة مستجابة.

"Sa bawat khatm (o pagtatapos ng pagbasa ng buong QUR’ĀN) ay panalangin na tinutugonan." [Tabaqātul-Hanābilah, 1/275].

Via: Muhammad Ali Granaderos
INGATAN ANG IYONG AYUNO NA HINDI MASAYANG

Kung nag-aayuno ka sa pagkain, inumin at iba pang bagay na nakakasira sa pag-aayuno, mag-aayuno din dapat ang iyong mga tainga, ang iyong mga mata, ang iyong dila, at ang iyong mga paa sa paggawa mga IPINAGBABAWAL.
Sapagka’t ang HIKMAH O WISDOM ng PAG-AAYUNO ay upang makamit ang kabanalan at takot sa Allah.

يا أيها الذين آمنوا كُتِبَ عليكم الصيام كما كُتِبَ على الذين من قبلكم لعلكم تتقون

"O kayong mga naniwala, ang SIYĀM [pag-aayuno] ay itinatagubilin sa inyo tulad ng itinagubilin sa mga nauna sa inyo upang sakali kayo ay matakot [sa Allah nang tunay]." [Al-Baqarah 183].

Sinabi ng Propeta ï·º:

مَنْ لَمْ يَدَعْ قَوْلَ الزُّورِ وَالْعَمَلَ بِهِ وَالْجَهْلَ، فَلَيْسَ لِله حَاجَةٌ أَنْ يَدَعَ طَعَامَهُ وَشَرَابَهُ.

"Sinuman ang hindi huminto sa huwad na pananalita at masasamang gawain at hindi tinalikuran ang kahangalan, hindi kailangan ng Allah ang kanyang pag-iiwan ng pagkain at inumin (i.e. hindi tatanggapin ng Allah ang kanyang PAG-AAYUNO)." [Isinalaysay ni Imam Al-Bukhari].

Sinabi ni Ibnul-Munayyir sa "Al-Hăshiyah":
"بل هو كناية عن عدم القبول."

"Bagkus, ito ay isang metaphor para sa hindi pagtanggap."

Sinabi ni Ibnu Battāl - رحمه الله - :

ليس معناه أن يؤمر بأن يدع صيامه، وإنما معناه التحذير من قول الزور وما ذكر معه.

"Hindi ibig sabihin nito na inutosan siyang ihinto ang kanyang pag-aayuno, ngunit ito ay nangangahulugan ng isang babala sa masamang pananalita at kung anoman ang nabanggit kasama nito sa Hadith."

Sa isang ayah sinabi ng Allah na:

إِنَّمَا يَتَقَبَّلُ ٱللهُ مِنَ ٱلۡمُتَّقِينَ

“Katotohanan, ang Allah ay tumatanggap lamang mula sa MUTTAQĪN [mga natatakot sa Kanya]." [Al-Maidah 27].

جعلنا الله وإياكم منهم. آمين..

✍️ Ustadh Muhammad Ali Granaderos
Assalamu alaykum Ustadz... Meron po ba parusa pag nagbasa ng Quran kung di ito katulad or tama sa pagbasa ninyo mga Skolar... Dito lng po ako natuto sa Pagbasa sa fon na may Audio....at nagbabasa ako din sa tagalog version...
https://www.facebook.com/103551201256324/posts/148842576727186/?app=fbl

Nais ko lang po malaman kung sa inyo po nanggaling ang post na ito
Assallamo alaykom warahmatullahi wabarakatuho naway laht tayoy maparating sha'bsn buwan ng Ramadh'an kaunting tanong po maari po bang magsimula ngayun pagkat mga nakaraan lamang ng paglipas ay maaring sunnah
Assalamo waalaikum yah shiekh maari po ba na malaman po kong ano po ba ang hukom ng pag ahit ng balbas or pag bawas nito? Eto po ba ay kinasusuklaman mg allah swt? Eto po ay dagdag kaalaman shiekh jazakallahu khair,barakallahu feek
Assalamu Alaykum Ustadz... Kelan po ung Sunnat na fasting sa mga darating na buwan bago ang Ramadhan?
Assalamo alaikom
Patawad po hnd po Aku yng ng comments Sa inyo Asawa q po Kya po aq sumali Sa page nyo pra may matutunan kht Kaunti Sa Islam...hnd q po alm n kng Anu Anu n png comments nya nasasaktan aq KC nadamay p aq DHL mukha q nkafront 😭😭😭😩😩😩
Assalamoalaikom,Tanong kulng po?bawal po ba ang maging kaibigan or makasama ang bakla at tomboy?
Yah ameer ano hukuman ng mag pacolor ng buhok?

𝗖𝗼𝗻𝘃𝗲𝘆𝗶𝗻𝗴 𝘁𝗵𝗲 𝗺𝗲𝘀𝘀𝗮𝗴𝗲 𝗼𝗳 𝗜𝘀𝗹𝗮𝗺 𝗴𝗹𝗼𝗯𝗮𝗹𝗹𝘆.

Operating as usual

𝗔𝗾𝗲𝗲𝗱𝗮𝗵 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 𝗘𝗽. 𝟭𝟰 (𝗣𝗮𝗿𝘁 𝟴) 𝗣𝗮𝗹𝗶𝘄𝗮𝗻𝗮𝗴 𝘀𝗮 "𝗔𝗟-𝗟𝗔𝗠𝗜𝗬𝗔𝗛" 𝗻𝗶 𝗜𝗯𝗻𝘂 𝗧𝗮𝘆𝗺𝗶𝘆𝘆𝗮𝗵 رح 11/11/2022

𝗔𝗾𝗲𝗲𝗱𝗮𝗵 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 𝗘𝗽. 𝟭𝟰 (𝗣𝗮𝗿𝘁 𝟴) 𝗣𝗮𝗹𝗶𝘄𝗮𝗻𝗮𝗴 𝘀𝗮 "𝗔𝗟-𝗟𝗔𝗠𝗜𝗬𝗔𝗛" 𝗻𝗶 𝗜𝗯𝗻𝘂 𝗧𝗮𝘆𝗺𝗶𝘆𝘆𝗮𝗵 رح

𝗔𝗾𝗲𝗲𝗱𝗮𝗵 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 𝗘𝗽. 𝟭𝟰
(𝗣𝗮𝗿𝘁 𝟴)

𝗣𝗮𝗹𝗶𝘄𝗮𝗻𝗮𝗴 𝘀𝗮 "𝗔𝗟-𝗟𝗔𝗠𝗜𝗬𝗔𝗛" 𝗻𝗶 𝗜𝗯𝗻𝘂 𝗧𝗮𝘆𝗺𝗶𝘆𝘆𝗮𝗵 رحمه الله.

𝗔𝗾𝗲𝗲𝗱𝗮𝗵 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 𝗘𝗽. 𝟭𝟰 (𝗣𝗮𝗿𝘁 𝟴) 𝗣𝗮𝗹𝗶𝘄𝗮𝗻𝗮𝗴 𝘀𝗮 "𝗔𝗟-𝗟𝗔𝗠𝗜𝗬𝗔𝗛" 𝗻𝗶 𝗜𝗯𝗻𝘂 𝗧𝗮𝘆𝗺𝗶𝘆𝘆𝗮𝗵 رح

08/11/2022

PAANO MAGDASAL NG KUSUF?

Ang Salatul-Kusuf ay Dalawang Rak'ah na 𝗡𝗔𝗣𝗔𝗞𝗔𝗛𝗔𝗕𝗔 at kakaiba ang anyo nito kaysa sa ordinaryong dalawang rak'ah.

NARITO ANG PARAAN NG PAGSAGAWA NITO:

1. Magtakbir ng Takbiratul-Ihram: ALLAHU AKBAR.
2. Bigkasin ang Du'a ng Istiftah.
3. Bigkasin ang: A'UDHUBILLAH MINASH-SHAYTANEER RAJEEM.
4. Basahin ang Fatihah.
5. Magbasa ng NAPAKABAHANG SURAH, tulad ng Baqarah, o di-kaya'y Al-Imran, at mga kagaya nito na mahahabang Surah mula sa Qur'an.
6. Mag-ruku` ng NAPAKAHABANG RUKU`.
7. Tumayo sa pagkaka-ruku`, at bigkasin ang: SAMI'ALLĀHU LIMAN HAMIDAH, RABBANA WA LAKAL-HAMD.
8. Huwag muna mag-SUJUD, bagkus basahin ulit ang Fatihah at magbasa ulit ng mahabang Surah, nguni’t mas mababa kaysa sa naunang binasa.
9. Pagkatapos ay mag-ruku` ulit ng mahabang Ruku`, subali't mas mababa kaysa sa naunang Ruku`.
10. Tumayo mula sa pagkaka-ruku`, at bigkasin ang: SAMI'ALLĀHU LIMAN HAMIDAH, RABBANA WA LAKAL-HAMD. Pagkatapos ay manatiling nakatayo ng mahabang pagtayo.
11. Pagkatapos ay mag-SUJUD ng DALAWANG NAPAKAHABANG SUJUD, at pahabain din niya ang PAG-UPO sa pagitan ng dalawang sujud.
12. Pagkatapos ay tumayo siya sa IKALAWANG RAK'AH. Gagawin niya rito ang tulad ng ginawa niya sa unang rak'ah kanina, nguni’t mas maiksi na ng bahagya kaysa sa lahat ng unang mga ginawa niya sa unang rak'ah.
13. Pagkatapos siya ay mag-TASHAHHUD at mag-TASLIM.

Ayon kay A'isha -رضي الله عنها- :
خَسَفَتْ الشَّمْسُ فِي حَيَاةِ النَّبِيِّ ﷺ فَخَرَجَ إِلَى الْمَسْجِدِ فَصَفَّ النَّاسُ وَرَاءَهُ، فَكَبَّرَ ، فَاقْتَرَأَ رَسُولُ اللهِ ﷺ قِرَاءَةً طَوِيلَةً، ثُمَّ كَبَّرَ فَرَكَعَ رُكُوعًا طَوِيلًا، ثُمَّ قَالَ: سَمِعَ اللهُ لِمَنْ حَمِدَهُ.
فَقَامَ وَلَمْ يَسْجُدْ، وَقَرَأَ قِرَاءَةً طَوِيلَةً، هِيَ أَدْنَى مِنْ الْقِرَاءَةِ الْأُولَى.
ثُمَّ كَبَّرَ وَرَكَعَ رُكُوعًا طَوِيلًا، وَهُوَ أَدْنَى مِنْ الرُّكُوعِ الْأَوَّلِ.
ثُمَّ قَالَ: سَمِعَ اللهُ لِمَنْ حَمِدَهُ رَبَّنَا وَلَكَ الْحَمْدُ.
ثُمَّ سَجَدَ، ثُمَّ قَالَ فِي الرَّكْعَةِ الْآخِرَةِ مِثْلَ ذَلِكَ.
فَاسْتَكْمَلَ أَرْبَعَ رَكَعَاتٍ، فِي أَرْبَعِ سَجَدَاتٍ.
~𝙄𝙣𝙪𝙡𝙖𝙩 𝙣𝙞 𝘽𝙪𝙠𝙝𝙖𝙧𝙞 𝙖𝙩 𝙈𝙪𝙨𝙡𝙞𝙢.

08/11/2022

Lunar Eclipse ngayon ayon sa mga eksperto mula 5:29 PM hanggang 9:58 PM.

Ang ganitong mga phenomenon ay signus ng mga matitinding kalamidad na darating.

Kaya kung ito'y inyong 𝗠𝗔𝗞𝗜𝗧𝗔 paramihin ninyo kaagad ang Dhikr o Paggunita sa Allah, Du'a o Panalangin, Takbir o Pagsabi ng Allahu Akbar, Istighfar o paghingi ng Kapatawaran sa Allah at pagbibigay ng Sadaqah o kawanggawa.

Sinabi ng Propeta ï·º:
إِنَّ الشَّمْسَ وَالْقَمَرَ آيَتَانِ مِنْ آيَاتِ اللهِ، يُخَوِّفُ اللهُ بِهِمَا عِبَادَهُ، وَإِنَّهُمَا لَا يَنْكَسِفَانِ لِمَوْتِ أَحَدٍ مِنَ النَّاسِ، فَإِذَا رَأَيْتُمْ مِنْهَا شَيْئًا فَصَلُّوا وَادْعُوا اللهَ حَتَّى يُكْشَفَ مَا بِكُمْ.
"Ang Araw at ang Buwan ay dalawang tanda na pinantatakot ng Allah sa Kanyang mga alipin, at hindi ito nag-eclipse dahil sa pagkamatay ng isa sa mga tao (ayon sa isang salaysay: ni sa kanyang pagkabuhay), kaya kapag NAKITA ninyo ito ay MAGDASAL kayo (SALATUL-KUSUF) at mag-DU'A hanggang sa mawala ang dumatal sa inyo."~Inulat ni Bukhari at Muslim, kay Muslim ang teksto.

Sa mga imam ng mga Masjid, obligasyon ninyong pangunahan ang pagsabuhay at pagtaguyod ng Salatul-Kusuf sa inyong mga Jama'ah o nasasakupan.

06/11/2022

إجماع السلف الصالح على إهانة أهل البدع ومعادتهم ومهاجرتهم

قال البغوي رحمه الله:
"وقد مضت الصحابة والتابعون وأتباعهم، وعلماء السنة على هذا، مجمعين متفقين، على معاداة أهل البدعة ومهاجرتهم."
"شرح السنة" (٢٢٧/١).

وقال الإمام أبو عثمان إسماعيل الصابوني -رحمه الله- :
"واتفقـوا مع ذلك: على القول بقهر أهل البدع، وإذلالهم، وإخزائهم، وإبعادهم، وإقصائهم، والتباعد منهم، ومن مصاحبتهم، ومعاشرتهم، والتقرب إلى الله عز وجل بمجانبتهم، ومهاجرتهم."
"عقيدة السلف وأصحاب الحديث" (ص١٢٣).

وروى اللالكائي بسنده إلى عمرو بن دينار المكي أنه قال: أنه بينما كان طاوس يطوف بالبيت لقيه معبد الجهني، فقال له طاوس: أنت معبد؟ قال: نعم. فالتفت إليهم طاوس فقال: هذا معبد فأهينوه.
"شرح أصول اعتقاد أهل السنة والجماعة من الكتاب والسنة وإجماع الصحابة" (١١٤١).

05/11/2022

𝐸𝑛𝑗𝑜𝑦 𝑛𝑜𝑤, 𝐽𝑎𝒉𝑎𝑛𝑛𝑎𝑚 𝑙𝑎𝑡𝑒𝑟.
وَٱلَّذِينَ كَفَرُواْ يَتَمَتَّعُونَ وَيَأۡكُلُونَ كَمَا تَأۡكُلُ ٱلۡأَنۡعَٰمُ وَٱلنَّارُ مَثۡوًى لَّهُمۡ
"Nguni't yaong mga di-naniwala ay 𝗡𝗔𝗦𝗜𝗦𝗜𝗬𝗔𝗛𝗔𝗡 [𝗦𝗔 𝗠𝗨𝗡𝗗𝗢𝗡𝗚 𝗜𝗧𝗢] at [sila ay] 𝗡𝗔𝗡𝗚𝗜𝗡𝗚𝗜𝗡𝗔𝗜𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗟𝗔𝗗 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗜𝗡𝗚𝗜𝗡𝗔𝗜𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗛𝗔𝗬𝗢𝗣. Subali't ang 𝗔𝗽𝗼𝘆 ang magiging kanlungan para sa kanila [sa Kabilang-Buhay]."~𝙎𝙪𝙧𝙖𝙝 𝙈𝙪𝙝𝙖𝙢𝙢𝙖𝙙 | 𝙌𝙪𝙧'𝙖𝙣 𝟰𝟳:𝟭𝟮.

05/11/2022

𝗔𝗾𝗲𝗲𝗱𝗮𝗵 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 𝗘𝗽. 𝟭𝟰
(𝗣𝗮𝗿𝘁 𝟳)

𝗣𝗮𝗹𝗶𝘄𝗮𝗻𝗮𝗴 𝘀𝗮 "𝗔𝗟-𝗟𝗔𝗠𝗜𝗬𝗔𝗛" 𝗻𝗶 𝗜𝗯𝗻𝘂 𝗧𝗮𝘆𝗺𝗶𝘆𝘆𝗮𝗵 رحمه الله.

05/11/2022

𝗦𝗮 𝗜𝘀𝗹𝗮𝗺 𝗺𝗮𝘀 𝗵𝗶𝗴𝗶𝘁 𝗻𝗮 𝗽𝗶𝗻𝗮𝗽𝗮𝗸𝗶𝗻𝗴𝗴𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝘀𝗶𝗻𝘂𝘀𝘂𝗻𝗼𝗱 𝗮𝗻𝗴 𝗥𝗘𝗕𝗘𝗟𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 (𝗪𝗮𝗵𝗶 𝗺𝘂𝗹𝗮 𝘀𝗮 𝗤𝘂𝗿’𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝗦𝘂𝗻𝗻𝗮𝗵) 𝗸𝗮𝘆𝘀𝗮 𝘀𝗮 𝘂𝘁𝗮𝗸 𝗼 𝘀𝗮𝗿𝗶𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝗴-𝘂𝗻𝗮𝘄𝗮.

Dahil ang dahilan ng pagkaligaw ng mga ligaw ay ang pag-iwan at pagtalikod nila sa Rebelasyon o di kaya'y mas inuuna pa nila ang kanilang mga utak at sariling pang-unawa 'kuno' kaysa sa Rebelasyon o Wahi (تقديم العقل على النقل) kahit na ito'y lumabag na rito.

Kaya nga sasabihin nila doon sa Araw ng Paghuhukom nang may pagsisisi at pag-amin:
لَوۡ كُنَّا نَسۡمَعُ أَوۡ نَعۡقِلُ مَا كُنَّا فِيٓ أَصۡحَٰبِ ٱلسَّعِيرِ
“Kung kami sana ay nakinig lamang o nag-isip, marahil kami ay hindi naging kabilang ng mga kasamahan ng naglalagablab [Apoy].”~Al-Mulk, 10.

At kung mayroon man na utak o pang-unawa ang uunahin ukol sa pag-unawa ng QUR'AN at SUNNAH ay 𝗶𝘆𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴-𝘂𝗻𝗮𝘄𝗮 𝗻𝗴 𝗺𝗶𝘀𝗺𝗼𝗻𝗴 𝗦𝘂𝗴𝗼 𝗻𝗴 𝗔𝗹𝗹𝗮𝗵 𝗻𝗮 𝘀𝗶 𝗣𝗿𝗼𝗽𝗲𝘁𝗮 𝗠𝗨𝗛𝗔𝗠𝗠𝗔𝗗 ﷺ 𝗮𝘁 𝗴𝗮𝘆𝘂𝗻𝗱𝗶𝗻 𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗻𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗦𝗔𝗛𝗔𝗕𝗔𝗛, 𝗹𝗮𝗹𝗼 𝗻𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗮𝗽𝗮𝘁 𝗻𝗮 𝗸𝗵𝗮𝗹𝗶𝗳𝗮𝗵 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮 - 𝗔𝗕𝗨 𝗕𝗔𝗞𝗥, 𝗨𝗠𝗔𝗥, 𝗨𝗧𝗛𝗠𝗔𝗡 𝗮𝘁 𝗔𝗟𝗜 -kinalugdan silang lahat ng Allah- 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝘂𝘁𝗮𝗸 𝗮𝘁 𝗽𝗮𝗻𝗴-𝘂𝗻𝗮𝘄𝗮 𝗻𝗴 𝗸𝘂𝗻𝗴 𝘀𝗶𝗻𝘂-𝘀𝗶𝗻𝗼 𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗺𝘂𝗹𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗔𝗵𝗹𝘂𝗹-𝗯𝗶𝗱'𝗮𝗵 𝗼 𝗺𝗴𝗮 𝗺𝗮𝗽𝗮𝗴𝗴𝗮𝘄𝗮 𝗮𝘁 𝗽𝗿𝗼𝗺𝗼𝘁𝗲𝗿 𝗻𝗴 𝗯𝗶𝗱'𝗮𝗵 𝗮𝘁 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗔𝗵𝗹𝘂𝗹-𝗔𝗵𝘄𝗮 𝗼 𝗺𝗴𝗮 𝘁𝗮𝗼𝗻𝗴 𝘀𝗮𝗿𝗶𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗻𝗮𝗻𝗮𝘀𝗮 𝗹𝗮𝗺𝗮𝗻𝗴 𝗮𝘁 𝗸𝗮𝗴𝘂𝘀𝘁𝘂𝗵𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗶𝗻𝘂𝘀𝘂𝗻𝗼𝗱 𝗸𝗮𝘆𝘀𝗮 𝘀𝗮 𝗞𝗔𝗚𝗨𝗦𝗧𝗨𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗔𝗟𝗟𝗔𝗛.

𝗗𝗮𝗵𝗶𝗹 𝗸𝘂𝗻𝗴 𝗴𝗮𝘆𝗼𝗻 𝗮𝘆 𝗺𝗮𝘀𝗶𝘀𝗶𝗿𝗮'𝘁 𝗺𝗮𝘄𝗮𝘄𝗮𝘀𝗮𝗸 𝗮𝗻𝗴 𝗠𝗲𝗻𝘀𝗮𝗵𝗲 𝗻𝗴 𝗜𝘀𝗹𝗮𝗺, 𝗻𝗮 𝘀𝗶𝘆𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗶𝗻𝗮𝘀𝗮𝗸𝘆𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗸𝗮𝗹𝗮𝗯𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗜𝘀𝗹𝗮𝗺 𝗮𝘁 𝗺𝗴𝗮 𝗸𝗮𝗺𝘂𝘀𝗹𝗶𝗺𝗮𝗻.

04/11/2022

𝗔𝗾𝗲𝗲𝗱𝗮𝗵 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 𝗘𝗽. 𝟭𝟰
(𝗣𝗮𝗿𝘁 𝟲)

𝗣𝗮𝗹𝗶𝘄𝗮𝗻𝗮𝗴 𝘀𝗮 "𝗔𝗟-𝗟𝗔𝗠𝗜𝗬𝗔𝗛" 𝗻𝗶 𝗜𝗯𝗻𝘂 𝗧𝗮𝘆𝗺𝗶𝘆𝘆𝗮𝗵 رحمه الله.

04/11/2022

Kami po ay taus-pusong nakikiramay sa buong pamilya ni Ustadh Ahmad Barcelon sa pagkamatay ng kanyang mahal na asawa (Aliah Barcelon رحمها الله). 𝗣𝗮𝘁𝗮𝘁𝗮𝗴𝗶𝗻 𝗻𝗮𝘄𝗮 𝗸𝗮𝘆𝗼 𝗻𝗴 𝗔𝗹𝗹𝗮𝗵 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴𝘀𝘂𝗯𝗼𝗸 𝗻𝗶𝗻𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗶𝘁𝗼 𝗮𝘁 𝗽𝗮𝗴𝗸𝗮𝗹𝗼𝗼𝗯𝗮𝗻 𝗡𝗶𝘆𝗮 𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗵𝘂𝘀𝗮𝘆 𝗻𝗮 𝗽𝗮𝗴𝘁𝗶𝘁𝗶𝗶𝘀, 𝗮𝘁 𝗞𝗮𝗻𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝗴𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮𝗮𝗻 𝘀𝗮𝗮𝗻 𝗺𝗮𝗻 𝗸𝗮𝘆𝗼 𝗻𝗮𝗿𝗼𝗿𝗼𝗼𝗻.

Patawarin nawa siya ng Allah, kaawaan, kahabagan, patatagin sa kanyang libingan, papasukin sa Paraiso at ilayo sa mga parusa sa libingan at mga Impiyerno. اللهم آمين.

إنا لله وإنا إليه راجعون
"KATOTOHANAN, TAYO AY NAGMULA SA ALLAH, AT SA KANYA TAYO AY MULING MAGBABALIK."

Sinabi ng Allah:
وما كان لنفس أن تموت إلا بإذن الله كتابا مؤجلا
"𝗔𝘁 𝘄𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗺𝗮𝗺𝗮𝘁𝗮𝘆 𝗺𝗮𝗹𝗶𝗯𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗞𝗔𝗣𝗔𝗛𝗜𝗡𝗧𝗨𝗟𝗨𝗧𝗔𝗡 𝗻𝗴 𝗔𝗟𝗟𝗔𝗛 𝘀𝗮 𝗻𝗮𝗶𝘁𝗮𝗸𝗱𝗮𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗻𝗶𝗻𝗴."

LAHAT TAYO AY DADAAN SA KAMATAYAN, NAUNA LANG SILA SA ATIN AT TAYO DIN ANG SUSUNOD, KAYA NAMA'Y MAGPAKATATAG TAYO AT KUMAPIT NG MAHUSAY AT MAHIGPIT SA ISLAM AT SA PAGSAMBA SA TUNAY NA DIYOS NG SANLIBUTAN -ANG ALLAH- AT IWASAN NATIN ANG SHIRK AT PAGSAMBA SA IBA PANG DIYOS BUKOD SA KANYA, HANGGANG SA ATING KAMATAYAN.
قال تعالى: {يا أيها الذين ءامنوا اتقوا الله حق تقاته ولا تموتن إلا وأنتم مسلمون}.

03/11/2022

Imbes na I-DU'A mo na ayusin ng ALLAH at gabayan si Prince Muhammad bin Salman -MBS- na siyang utos sa iyo ng ISLAM hinggil sa mga pinuno, sinisiraan mo, binabatikos at isinusumpa at pinagbibintangan ng kung anu-ano, na ang ganyang ugali at asal sa pinuno ay labag sa Islam, bagkus yan ay katangian ng mga KHAWARIJ. Walang pinagkaiba sa mga NPA at mga dilawan (pinklawan) dito sa Pilipinas na mahilig ding mambatikos, manira, mag-rally at mag-alsa laban sa GOBYERNO at mga NAMUMUNO.

03/11/2022

𝗔𝗾𝗲𝗲𝗱𝗮𝗵 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 𝗘𝗽. 𝟭𝟰
(𝗣𝗮𝗿𝘁 𝟱)

𝗣𝗮𝗹𝗶𝘄𝗮𝗻𝗮𝗴 𝘀𝗮 "𝗔𝗟-𝗟𝗔𝗠𝗜𝗬𝗔𝗛" 𝗻𝗶 𝗜𝗯𝗻𝘂 𝗧𝗮𝘆𝗺𝗶𝘆𝘆𝗮𝗵 رحمه الله.

03/11/2022

Kung alam mo lang ang sitwasyon ng bansa(ng SAUDI ARABIA) noon sa kamay ng Ottoman empire ay TIYAK NA MASASABI MONG: MAS MASAHOL PA PALA SIYA NOON AT MAS MALALA NANG ILANG BESES KAYSA SA NGAYON SA PAMUMUNO NG SUOD FAMILY.

Kaya minsan aral-aral din kasi ng HISTORY ng Saudi Arabia.

SIYEMPRE dapat reliable PALAGI ang mga sources mo, para naman di ka mauto ng mga KALABAN ng ISLAM at AHLUS-SUNNAH, sapagka’t kayrami nilang binago at binaluktot sa KASAYSAYAN mula noon hanggang sa ngayon para sa kanilang mga PROPAGANDA at pansariling interes sa kanilang grupo o di-kaya'y sekta o organisayon o relihiyon, kaya ikaw ang magiging BIKTIMA nila at magiging KAWAWA at KAAWA-AWA.

Tingnan mo na lang ang bansa mong Pilipinas, kayraming twisted information sa History, tulad ng mga nangyari noon sa panahon ng mga Marcoses at Aquino, na inaakala mong totoo iyon lahat, HINDI PALA, na kung saan sa pamumuno lang ni Duterte nabulgar.

Kaya nga nagbigay ang ALLAH ng PANGHABANG-BUHAY NA SOLUSYON riyan, at ito nga ang: 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗘𝗕𝗘𝗥𝗜𝗣𝗜𝗞𝗔 𝘀𝗮 𝗯𝗮𝘄𝗮𝘁 𝗶𝗺𝗽𝗼𝗿𝗺𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗯𝗮𝗯𝗮𝘀𝗮, 𝗻𝗮𝗿𝗶𝗿𝗶𝗻𝗶𝗴 𝗮𝘁 𝗻𝗮𝗸𝗶𝗸𝗶𝘁𝗮, nang KANYANG sinabi sa QUR'ĀN na:

يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ إِن جَآءَكُمۡ فَاسِقُۢ بِنَبَإٍ فَتَبَيَّنُوٓاْ أَن تُصِيبُواْ قَوۡمَۢا بِجَهَٰلَةٍ فَتُصۡبِحُواْ عَلَىٰ مَا فَعَلۡتُمۡ نَٰدِمِينَ
Ibig-sabihin: "O kayong mga naniwala, kung ang isang FASIQ (suwail) ay dumating sa inyo na may dalang balita, 𝗦𝗜𝗬𝗔𝗦𝗔𝗧𝗜𝗡 [ang katotohanan nito], upang hindi mangyaring inyong mapinsala [o masaktan] ang isang mamamayan [bunga] ng kamangmangan [at] sa gayon ay inyong pagsisihan ang anumang inyong nagawa." ~Al-Hujurat, 6.

03/11/2022

Yong iba grabe makabatikos sa Saudi, eh sariling bayan niya mismo at bahay mas masahol pa sa YAHUD at NASARA.

01/11/2022

𝗔𝗾𝗲𝗲𝗱𝗮𝗵 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 𝗘𝗽. 𝟭𝟰
(𝗣𝗮𝗿𝘁 𝟰)

𝗣𝗮𝗹𝗶𝘄𝗮𝗻𝗮𝗴 𝘀𝗮 "𝗔𝗟-𝗟𝗔𝗠𝗜𝗬𝗔𝗛" 𝗻𝗶 𝗜𝗯𝗻𝘂 𝗧𝗮𝘆𝗺𝗶𝘆𝘆𝗮𝗵 رحمه الله.

01/11/2022

Hindi ako bulag at bingi sa PAMBABATIKOS ng maraming tao sa Saudi Arabia, gini-GENERALIZE nila ang LAHAT ng mga namumuno at ang mga ULAMA na tahimik "lang daw" at hindi sinisita ang mga HARAM na ito. Astaghfirullah. Patawarin kayo ng Allah, hindi ninyo alam ang inyong mga pinaggagawa at mga pinagsasabi.

Hindi lang ninyo batid kung gaano katindi ang EFFORT ng mga Mashayikh doon at mga ULAMA doon, dito nga sa Pilipinas kung makapagsalita kayo sa mga doktor dito ng Islam, ay parang mas maalam pa kayo kaysa sa kanila, nanghahamon pa ng DEBATE ang iba, akala mo naman kung sino, wala daw ni isang alim sa Marawi City. Ya SALĀM.

Ang pagbibintang sa mga Ulama lalo na sa Kibarul-Ulama na silang lahat ay TAHIMIK LANG at walang GINAGAWA ay
KASINUNGALINGAN, dahil dalawang beses weekly nagtitipon ang mga Kibarul-Ulama at ang mga Pinuno ng Saudi Arabia, at walang tigil si Shaykh Dr. Salih Al-Fawzan at iba pa sa PAGPAPAYO AT PAGPAPAALALA 𝘀𝗮 𝗵𝗮𝗿𝗮𝗽 𝗺𝗶𝘀𝗺𝗼 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗻𝗮𝗺𝘂𝗺𝘂𝗻𝗼 𝗱𝗼𝗼𝗻, 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝘀𝗮 𝗣𝗔𝗠𝗕𝗔𝗕𝗔𝗧𝗜𝗞𝗢𝗦 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗺𝗶𝗻𝗯𝗮𝗿, 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗸𝗵𝘂𝘁𝗯𝗮𝗵 𝗻𝗶 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗱𝘂𝗿𝘂𝘀, at ito'y narinig ko mismo kay DR. SALIH AL-'OSAIMI noong January 2018 sa Masjid ng Rasulullah ﷺ sa Madinah, at siya'y saksi rito dahil miyembro siya ng Kunseho ng mga Kibarul-Ulama ng Saudi Arabia.

Tsaka HINDI kailanman obligasyon ng mga ULAMA na pilitin ang mga tao sa PAGSUNOD AT PAGPAPATUPAD NG ISLAM AT MGA BATAS NITO, dahil ang trabaho at obligasyon lamang nila ay ITURO ANG TAMANG ISLAM SA MGA TAO, PAYUHAN SILA AT PAAALAHANAN.

Kaya, PANANAGUTAN NINYO NA MAPAGBINTANG ANG MGA PAGBIBINTANG NINYONG ITO SA KANILA SA YAWMUL-QIYAMAH, makakaharap niyo din ang mga Ulama na iyan sa HARAP NG ALLAH. Tingnan natin kung sino ang nasa KATOTOHANAN at kung sino ang WALA SA KATOTOHANAN. Tiyak malalaman din ito doon. Hintayin lang natin.

01/11/2022

𝗡𝗮𝗽𝗮𝗸𝗮𝗽𝗲𝗹𝗶𝗴𝗿𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗟𝗔𝗡𝗧𝗔𝗥𝗔𝗡 𝗢 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗠𝗕𝗔𝗕𝗔𝗧𝗜𝗞𝗢𝗦 𝗻𝗴 𝗶𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗼 𝗹𝗮𝗯𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗽𝗶𝗻𝘂𝗻𝗼 𝗻𝗴 𝗦𝗮𝘂𝗱𝗶 𝗔𝗿𝗮𝗯𝗶𝗮, 𝗱𝗮𝗵𝗶𝗹 𝗺𝗲𝗿𝗼𝗻 𝗶𝘁𝗼𝗻𝗴 𝗸𝗮𝘂𝗴𝗻𝗮𝘆𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗺𝗮𝘀'𝗮𝗹𝗮𝗵 𝗻𝗮: "𝙋𝘼𝙂-𝘼𝘼𝙇𝙎𝘼 𝙇𝘼𝘽𝘼𝙉 𝙎𝘼 𝙋𝙄𝙉𝙐𝙉𝙊(𝙉𝙂 𝙈𝙐𝙎𝙇𝙄𝙈) 𝘼𝙏 𝙋𝘼𝙂𝙋𝘼𝙋𝘼𝙏𝘼𝙇𝙎𝙄𝙆 𝙎𝘼 𝙆𝘼𝙉𝙔𝘼, 𝙎𝘼 𝙋𝘼𝙈𝘼𝙈𝘼𝙂𝙄𝙏𝘼𝙉 𝙈𝘼𝙉 𝙉𝙂 𝘿𝙄𝙇𝘼 𝙎𝘼 𝙋𝘼𝙈𝘽𝘼𝘽𝘼𝙏𝙄𝙆𝙊𝙎 𝙎𝘼 𝙆𝘼𝙉𝙔𝘼 𝘼𝙏 𝙋𝘼𝙂𝙃𝙄𝙃𝙄𝙆𝘼𝙔𝘼𝙏 𝙎𝘼 𝙈𝙂𝘼 𝙏𝘼𝙊 𝙍𝙄𝙏𝙊 𝙊 𝘿𝙄-𝙆𝘼𝙔𝘼'𝙔 𝙎𝘼 𝘼𝙍𝙈𝘼𝙎 𝙎𝘼 𝙋𝘼𝙂𝙋𝘼𝙎𝙇𝘼𝙉𝙂 𝙎𝘼 𝙆𝘼𝙉𝙔𝘼", bagay na Katangian ng mga 𝗞𝗛𝗔𝗪𝗔𝗥𝗜𝗝, na kabilang sa mga grupong ligaw at lihis sa TUNAY NA ISLAM.

Tingnan niyo na lang ang LIBYA at IRAQ, nang pinatalsik nila at pinaslang ang di-makatarungang pinuno doon na si MUAMMAR GADDAFY at SADDAM HUSSEIN, nagkaroon ba ng KAPAYAPAAN at KAAYUSAN?! O mas lalong lumala ang sitwasyon at mga sigalot at mas dumami ang mga patayan?! 𝗠𝗔𝗦 𝗟𝗔𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗟𝗨𝗠𝗔𝗟𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗙𝗜𝗧𝗡𝗔𝗛 𝗗𝗢𝗢𝗡.

𝘿𝘼𝙃𝙄𝙇 𝙄𝙔𝘼𝙉 𝙎𝘼 𝙇𝘼𝙉𝙏𝘼𝙍𝘼𝙉𝙂 𝙋𝘼𝙂𝙎𝙐𝙒𝘼𝙔 𝙎𝘼 𝙐𝙏𝙊𝙎 𝙉𝙂 𝙄𝙎𝙇𝘼𝙈 𝙃𝙄𝙉𝙂𝙂𝙄𝙇 𝙎𝘼 𝙈𝙂𝘼 𝙋𝙄𝙉𝙐𝙉𝙊𝙉𝙂 𝘿𝙄-𝙈𝘼𝙆𝘼𝙏𝘼𝙍𝙐𝙉𝙂𝘼𝙉.
قال ﷺ: "مَنْ كَرِهَ مِنْ أَمِيرِهِ شَيْئًا فَلْيَصْبِرْ؛ فَإِنَّهُ مَنْ خَرَجَ مِنَ السُّلْطَانِ شِبْرًا مَاتَ مِيتَةً جَاهِلِيَّةً." (متفق عليه).
وقال ﷺ: "مَنْ خَرَجَ مِنَ الطَّاعَةِ، وَفَارَقَ الْجَمَاعَةَ، فَمَاتَ مَاتَ مِيتَةً جَاهِلِيَّةً." (رواه مسلم).

𝗞𝗮𝘆𝗮 𝗸𝘂𝗻𝗴 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗻𝗴𝗮𝘆𝗼𝗻 𝗡𝗔𝗡𝗜𝗡𝗜𝗪𝗔𝗟𝗔 𝗸𝗮 𝗽𝗮 𝗿𝗶𝗻 𝗻𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴-𝗿𝗮𝗹𝗹𝘆 𝗮𝘁 𝗽𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝘁𝗮𝗹𝘀𝗶𝗸 𝘀𝗮 𝗽𝗶𝗻𝘂𝗻𝗼𝗻𝗴 𝗱𝗶-𝗺𝗮𝗸𝗮𝘁𝗮𝗿𝘂𝗻𝗴𝗮𝗻 𝗮𝘆 𝗣𝗪𝗘𝗗𝗘 𝗮𝘁 𝗨𝗧𝗢𝗦 𝗻𝗴 𝗜𝗦𝗟𝗔𝗠, 𝗮𝗯𝗮'𝘆 𝗠𝗔𝗚-𝗔𝗥𝗔𝗟 𝗞𝗔 𝗨𝗟𝗜𝗧 𝗡𝗚 𝗔𝗤𝗘𝗘𝗗𝗔𝗛.

31/10/2022

𝗔𝗾𝗲𝗲𝗱𝗮𝗵 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 𝗘𝗽. 𝟭𝟰
(𝗣𝗮𝗿𝘁 𝟯)

𝗣𝗮𝗹𝗶𝘄𝗮𝗻𝗮𝗴 𝘀𝗮 "𝗔𝗟-𝗟𝗔𝗠𝗜𝗬𝗔𝗛" 𝗻𝗶 𝗜𝗯𝗻𝘂 𝗧𝗮𝘆𝗺𝗶𝘆𝘆𝗮𝗵 رحمه الله.

31/10/2022

𝗞𝗔𝗛𝗜𝗧 𝗔𝗡𝗢𝗠𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗜𝗡𝗜𝗥𝗔 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗞𝗔𝗟𝗔𝗕𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗨𝗗𝗜 𝗔𝗥𝗔𝗕𝗜𝗔, 𝗠𝗔𝗡𝗔𝗡𝗔𝗧𝗜𝗟𝗜 𝗜𝗧𝗢𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗪𝗛𝗘𝗘𝗗 𝗛𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗬𝗔𝗪𝗠𝗨𝗟-𝗤𝗜𝗬𝗔𝗠𝗔𝗛.

Dito lang naman hinirang ng 𝗔𝗟𝗟𝗔𝗛 ang Kanyang kahuli-hulihang 𝗣𝗥𝗢𝗣𝗘𝗧𝗔 na si 𝗠𝗨𝗛𝗔𝗠𝗠𝗔𝗗 ﷺ.

Dito rin ibinaba ng Allah sa kanya ang Kahuli-hulihang Aklat ang 𝗤𝗨𝗥'𝗔̄𝗡, bilang gabay sa sangkatauhan!

Ito din ang 𝗼𝗳𝗳𝗶𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗤𝗜𝗕𝗟𝗔𝗛 (قِبلة) ng mga kamusliman sa buong mundo.

Ang bansang 𝗦𝗔𝗨𝗗𝗜 𝗔𝗥𝗔𝗕𝗜𝗔 ay napakapayapa at pinakamabiyayang bansa sa buong mundo, dito tinulungan ng Allah ang 𝗜𝗦𝗟𝗔𝗠 at ang Katotohanang dala nito.

Ang pagtatanggol sa bansang ito ay Eiman at pagtatanggol sa 𝗧𝗔𝗪𝗛𝗘𝗘𝗗, at pagpuksa laban sa mga pakana ng mga kalaban ng Islam, at pagpapatunay sa 𝗔𝗤𝗘𝗘𝗗𝗔𝗛 𝗔𝗟-𝗪𝗔𝗟𝗔̄' 𝗪𝗔𝗟-𝗕𝗔𝗥𝗔̄'.

Ang paninira sa bansang ito ay paninira sa Katotohanan ng Islam at pakikipaglaban laban sa 𝗧𝗔𝗪𝗛𝗘𝗘𝗗, 𝙖𝙩 𝙥𝙖𝙠𝙞𝙠𝙞𝙞𝙨𝙖 𝙨𝙖 𝙢𝙜𝙖 𝙈𝙪𝙨𝙝𝙧𝙞𝙠, 𝙢𝙜𝙖 𝙆𝙪𝙛𝙛𝙖𝙧 𝙖𝙩 𝙢𝙜𝙖 𝙈𝙪𝙣𝙖𝙛𝙞𝙦 𝙨𝙖 𝙢𝙜𝙖 𝙥𝙖𝙣𝙞𝙣𝙞𝙧𝙖 𝙣𝙞𝙡𝙖!

Para sa mga naiinggit at naninira sa bansang ito at sa mga naninirahan dito, ito ang masasabi ko sa inyo:
موتوا بغيظكم إن الله عليم بذات الصدور
"𝗠𝗔𝗠𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗞𝗔𝗬𝗢 𝗦𝗔 𝗚𝗔𝗟𝗜𝗧 𝗔𝗧 𝗟𝗨𝗡𝗚𝗞𝗢𝗧, 𝗧𝗨𝗡𝗔𝗬 𝗡𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗟𝗟𝗔𝗛 𝗔𝗬 𝗚𝗔𝗡𝗔𝗣 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗕𝗔𝗕𝗔𝗧𝗜𝗗 𝗡𝗚 𝗔𝗡𝗨𝗠𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗜𝗡𝗜𝗞𝗜𝗠𝗞𝗜𝗠 𝗡𝗚 𝗜𝗡𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗞𝗔𝗟𝗢𝗢𝗕𝗔𝗡."

30/10/2022

𝗪𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗛𝗮𝗹𝗹𝗼𝘄𝗲𝗲𝗻 𝗼 𝗔𝗿𝗮𝘄 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗣𝗮𝘁𝗮𝘆 𝘀𝗮 𝗜𝘀𝗹𝗮𝗺.

𝙒𝙖𝙡𝙖 𝙧𝙞𝙣𝙜 𝟥 𝙙𝙖𝙮𝙨, 7 𝙙𝙖𝙮𝙨, 𝟦𝟢 𝙙𝙖𝙮𝙨 𝙖𝙩 𝙙𝙚𝙖𝙩𝙝 𝙖𝙣𝙣𝙞𝙫𝙚𝙧𝙨𝙖𝙧𝙮. 𝙇𝙖𝙝𝙖𝙩 𝙣𝙜 𝙮𝙖𝙣 𝙖𝙮 𝙃𝘼𝙍𝘼𝙈 𝙖𝙩 𝘽𝙄𝘿'𝘼𝙃.

Ang isang muslim na may takot sa Allah at may Eiman ay hindi nagdiriwang ng mga yan, at hindi rin nakikiisa sa mga ganyang gawain, at hindi rin nagtitinda ni bumibili ng lahat ng mga bagay na may kaugnayan sa mga HARAM na yan at iba pang ipinagbabawal.

Sa Islam inutos ang pagbisita sa mga 𝗟𝗜𝗕𝗜𝗡𝗚𝗔𝗡 upang maalala ang 𝗞𝗔𝗠𝗔𝗧𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗮𝘁 𝗞𝗔𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚-𝗕𝗨𝗛𝗔𝗬 nang sa gano'y palaging mapaghandaan ang yugtong ito.

Sinabi ng Propeta ï·º noong binisita niya ang kanyang ina (na namatay sa Kufr):
"...فَزُورُوا الْقُبُورَ؛ فَإِنَّهَا تُذَكِّرُ الْمَوْتَ".
"𝗞𝗮𝘆𝗮'𝘁 𝗯𝗶𝘀𝗶𝘁𝗮𝗵𝗶𝗻 𝗻𝗶𝗻𝘆𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗹𝗶𝗯𝗶𝗻𝗴𝗮𝗻; 𝗱𝗮𝗵𝗶𝗹 𝗸𝗮𝘁𝗼𝘁𝗼𝗵𝗮𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗶𝗻𝗮𝗽𝗮𝗮𝗹𝗮𝗹𝗮 𝗻𝗶𝘁𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗠𝗔𝗪𝗧 (𝗞𝗔𝗠𝗔𝗧𝗔𝗬𝗔𝗡)."~𝙄𝙣𝙪𝙡𝙖𝙩 𝙣𝙞 𝙈𝙪𝙨𝙡𝙞𝙢.

Sabi pa niya ï·º:
"زُورُوا الْقُبُورَ؛ فَإِنَّهَا تُذَكِّرُكُمُ الْآخِرَةَ".
"𝗕𝗶𝘀𝗶𝘁𝗮𝗵𝗶𝗻 𝗻𝗶𝗻𝘆𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗹𝗶𝗯𝗶𝗻𝗴𝗮𝗻; 𝗱𝗮𝗵𝗶𝗹 𝗸𝗮𝘁𝗼𝘁𝗼𝗵𝗮𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗶𝘁𝗼'𝘆 𝗻𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝗮𝗹𝗮𝗹𝗮 𝘀𝗮 𝗶𝗻𝘆𝗼 𝘀𝗮 𝗔𝗞𝗛𝗜𝗥𝗔𝗛 (𝗞𝗔𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚-𝗕𝗨𝗛𝗔𝗬)."~𝙄𝙣𝙪𝙡𝙖𝙩 𝙣𝙞 𝙄𝙗𝙣𝙪 𝙈𝙖𝙟𝙖𝙝 𝙢𝙪𝙡𝙖 𝙨𝙖 𝙃𝙖𝙙𝙞𝙩𝙝 𝙣𝙞 𝘼𝙗𝙪 𝙃𝙪𝙧𝙖𝙞𝙧𝙖𝙝, 𝙖𝙩 𝙣𝙞 𝘼𝙝𝙢𝙖𝙙 𝙢𝙪𝙡𝙖 𝙨𝙖 𝙃𝙖𝙙𝙞𝙩𝙝 𝙣𝙞 𝘼𝙡𝙞.

Ang PAGTATANGI pag-TAKHSEES (تخصيص) naman sa araw ng Jumu’ah o Biyernes upang doon bumisita sa libingan, at panindigan na ito ang pinakamainam na araw na bisitahin ang mga libingan ay walang matibay na DALEEL, bagkus ito'y BID'AH.

Dahil katotohanang walang nakalagay sa Sunnah kung anong araw ang pinakamainam na bumisita sa maqbarah o libingan. Bagkus, kahit anong araw, gabi man o araw ay pwedeng bumisita doon, tulad ng ginawa ng Rasulullah ï·º at ng mga Sahabah.

𝗛𝗶𝗻𝗴𝗴𝗶𝗹 𝗻𝗮𝗺𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗻𝗮𝗻𝗴𝘆𝗮𝘆𝗮𝗿𝗶 𝘀𝗮 𝗶𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗺𝗮𝗺𝗮𝘆𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗦𝗮𝘂𝗱𝗶 𝗔𝗿𝗮𝗯𝗶𝗮 𝗻𝗮 𝗹𝘂𝗺𝗮𝗹𝗮𝗯𝗮𝗴 𝘀𝗮 𝗜𝘀𝗹𝗮𝗺 𝗮𝘁 𝗻𝗮𝗴𝗱𝗶𝗿𝗶𝘄𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗴 𝗛𝗮𝗹𝗹𝗼𝘄𝗲𝗲𝗻 𝗲𝘁𝗰. 𝗮𝘆 𝘁𝘂𝗹𝗮𝗱 𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗱𝗶𝗻 𝘆𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗣𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗮𝘀 𝗻𝗮 𝗽𝘂𝘀𝗽𝘂𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗶𝗻𝗮𝗮𝗮𝗹𝗮𝗹𝗮𝗵𝗮𝗻𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗨𝗹𝗮𝗺𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝘁𝗮𝗼 𝗿𝗶𝘁𝗼, 𝘀𝘂𝗯𝗮𝗹𝗶𝘁 𝘀𝗮𝗱𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘆 𝗺𝗴𝗮 𝘁𝗮𝗼𝗻𝗴 𝗹𝗮𝗻𝘁𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴 𝗵𝗶𝗻𝗮𝗵𝗮𝗺𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗔𝗹𝗹𝗮𝗵 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴𝘀𝘂𝘄𝗮𝘆 𝘀𝗮 𝗞𝗮𝗻𝘆𝗮, 𝗯𝗮𝗴𝗸𝘂𝘀 𝗺𝗮𝘀 𝗺𝗮𝗹𝗮𝗹𝗮 𝗽𝗮 𝗻𝗴𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗶𝘁𝘄𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻 𝘀𝗮 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗻𝘀𝗮.

Nawa'y ibalik tayo ng Allah sa katinuan at Katotohanan.

29/10/2022

𝗔𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗺𝗮𝗹𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝘀 𝗻𝗮 𝘂𝗹𝗮𝗻, 𝗯𝗮𝗵𝗮, 𝗯𝗮𝗴𝘆𝗼 𝗮𝘁 𝘂𝗻𝗼𝘀 𝗮𝘆 𝗶𝗶𝗹𝗮𝗻 𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗶𝘆𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝘁𝗮𝗻𝗱𝗮 𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗽𝗮𝗻𝗴𝘆𝗮𝗿𝗶𝗵𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗔𝗹𝗹𝗮𝗵.

Nagpapa-alala ang mga ito sa ating lahat na dapat magbalik-loob na tayo sa Kanya, at na sa Kanya lang tayo dapat humingi ng TULONG at LINGAP, hindi sa mga engkanto ni sa mga rebulto at mga diyus-diyosan dahil sila'y walang magagawa ni maitutulong kahit katiting, ni mga sarili nila'y di nila matutulongan.

Sinabi ng Allah:
ولا يستطيعون لهم نصرا ولا أنفسهم ينصرون
"At sila [mga huwad na diyos] ay walang kakayahang magbigay ng tulong sa kanila o kakayahang matulungan ang kanilang mga sarili."

𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗞𝗔𝗦𝗔𝗟𝗔𝗡𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗞𝗔𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗪𝗔𝗦𝗔𝗞, 𝗞𝗔𝗣𝗔𝗛𝗔𝗠𝗔𝗞𝗔𝗡 𝗔𝗧 𝗠𝗚𝗔 𝗞𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗗𝗔𝗗.

Sinabi ng Allah:
فأهلكناهم بذنوبهم
"𝗞𝗮𝘆𝗮 𝘄𝗶𝗻𝗮𝘀𝗮𝗸 𝗡𝗮𝗺𝗶𝗻 𝘀𝗶𝗹𝗮 𝙙𝙖𝙝𝙞𝙡 𝙨𝙖 𝙠𝙖𝙣𝙞𝙡𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙠𝙖𝙨𝙖𝙡𝙖𝙣𝙖𝙣."

28/10/2022

𝗔𝗾𝗲𝗲𝗱𝗮𝗵 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 𝗘𝗽. 𝟭𝟮
(𝗣𝗮𝗿𝘁 𝟮)

"𝗔𝗻𝗴 𝗦𝗵𝗮𝗳𝗮'𝗮𝗵."

28/10/2022

Hindi Sunnah sa khateeb sa khutbah ng JUMU'AH na itaas niya ang kanyang dalawang kamay o palad sa DU'A, bagkus iyan ay Bid'ah, maliban kung hihingi siya ng ulan sa Allah o mag-Istisqa.

Kaya ng nakita ng sahabi na si عُمارة بن رُويبة ang khateeb na si Bishr bin Marwan sa minbar na itinaas niya ang kanyang dalawang kamay sa DU'A, sinita siya ng sahabi na ito at nagsabing:
قَبَّحَ اللهُ هاتين اليدين، لقد رأيتُ رسولَ الله ﷺ ما يزيد على أن يقول بيده هكذا.
"Nawa'y sirain (or i-disgrace) ng Allah ang dalawang hamak na kamay na iyan, tunay na nakita ko ang Rasulullah ï·º, at hindi na siya gagawa ng higit pa rito."
At ITINURO niya ang kanyang kanang HINTUTURO. ~Inulat ni Imam Muslim sa kanyang "SAHEEH."

27/10/2022

𝗔𝗾𝗲𝗲𝗱𝗮𝗵 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 𝗘𝗽. 𝟭𝟮
(𝗣𝗮𝗿𝘁 𝟭)

"𝗔𝗻𝗴 𝗦𝗵𝗮𝗳𝗮'𝗮𝗵."

27/10/2022

𝗦𝗨𝗝𝗨𝗗𝗨𝗦-𝗦𝗔𝗛𝗪𝗜

2 sujud ito na gagawin either before taslim or after nito, dahil sa pagkalimot sa Salah o pagkakamali dito.

𝗔𝗳𝘁𝗲𝗿 𝘁𝗮𝘀𝗹𝗶𝗺 𝘀𝗶𝘆𝗮 𝗺𝗮𝗴𝘀𝘂𝗷𝘂𝗱𝘂𝘀-𝘀𝗮𝗵𝘄𝗶:

1. Kapag nakadagdag siya ng isa sa mga haligi ng Salah, kagaya ng ruku, o sujud, o pag-upo, o rak'ah etc.
2. Kapag nagkulang siya ng isang haligi ng Salah, ruku halimbawa, o di kaya'y sujud, kailangan niya itong punan sa paggawa nito at siya ay magsujud ng sahwi after taslim.
3. Kapag nagduda siya kung ilang rak'ah na ba ang kanyang sinasalah: 3 or 4, kung sakaling naging mas matimbang para sa kanya ang isa sa dalawa, kung gayon ipagpatuloy lamang niya ang kanyang Salah at magsujudus-sahwi siya after taslim.

𝗕𝗲𝗳𝗼𝗿𝗲 𝘁𝗮𝘀𝗹𝗶𝗺 𝗻𝗮𝗺𝗮𝗻 𝗺𝗮𝗴𝘀𝘂𝗷𝘂𝗱𝘂𝘀-𝘀𝗮𝗵𝘄𝗶:

1. Kapag nakalimot siya ng isa sa mga wajib sa Salah, halimbawa sa pagbigkas ng unang tashahhud o di kaya'y sa pag-upo nito, etc.
2. Kapag nagduda siya kung ilang rak'ah na ba ang kanyang sinasalah: 3 ba or 4, at hindi niya ma-distinguish kung alin dito, kung gayon piliin niya ang mas maliit na bilang (3), at itayo niya ang ika-4 na rak'ah, at pagkatapos siya ay magsujudus-sahwi bago ang taslim.

Sa madaling salita: mangyayari ang sujudus-sahwi before taslim sa dalawang kalagayan:
1. Kapag nakaligtaan niya ang isa sa mga wajib sa Salah, kagaya ng unang tashahhud, pag-upo dito etc.
2. Kung nagduda siya at hindi matukoy ang tama sa dalawa.

At mangyayari naman ang sujudus-sahwi after taslim sa mga kalagayan na ito.
1. Kapag nakaligtaan niya kahit isang haligi ng Salah.
2. Kapag nakadagdag siya sa Salah ng kahit isa sa mga haligi nito, kagaya ng ruku, sujud, etc.
3. Kapag nagduda siya at naging mas matimbang sa kanya ang isa dito.

𝙉𝙤𝙩𝙚: Kung sakaling nakalimutan din niyang magsujudus-sahwi ay balikan niya ito at gawin kaagad, liban na lamang kung tumagal na ang panahon dito o di kaya'y nasira na ang kanyang wudhu, dahil sa pagkakataong ito ay hindi na niya kailangan pang mag-sujudus-sahwi.

Kung sakali naman na mag-sujudus-sahwi ang imam, wajib sa mga nasa likod niya na ma'mum na sumunod sa kanya.

Kung sakali naman na ang ma'mum lang ang nakalimot o may nakaligtaan siya sa Salah, ay hindi nararapat na siya (ma'mum) ay mag-sujudus-sahwi, maliban kung siya ay masbuq, dahil mag-sujudus-sahwi siya sa kanyang sarili.

Kung sakaling nauulit ang mga pagkalimot o pagkakamali sa isang Salah ay sapat na ang isang beses na SUJUDUS-SAHWI dito.

والله أعلم.

27/10/2022

Ang Sunnah sa 𝗞𝗵𝘂𝘁𝗯𝗮𝗵 ng JUMU'AH ay 𝗺𝗮𝗶𝗸𝘀𝗶 lang dapat. Habang ang Sunnah sa 𝗦𝗮𝗹𝗮𝗵 ng JUMU'AH ang siyang dapat 𝗽𝗮𝗵𝗮𝗯𝗮𝗶𝗻.

At iyan ay tanda ng mahusay na pang-unawa ng Khateeb at Imam sa mga Batas ng Islam.

قال ﷺ: "إن طُول صلاة الرجل، وقِصَرَ خُطبته مَئِنَّةٌ من فِقهه، فأَطيلوا الصلاة، واقصروا الخطبة." (رواه مسلم).

SURAH AL-A'LA sa first rak'ah, at AL-GHASIYAH sa ika-2 rak'ah pagkatapos ng Al-FATIHAH. O di-kaya'y Surah AL-JUMU'AH sa unang rak'ah, at AL-MUNAFIQUN sa ika-2 rak'ah. O di-kaya'y Surah AL-JUMU'AH sa unang rak'ah, at AL-GHASIYAH sa ika-2 rak'ah.

Iyan ang Sunnah ng Rasulullah ﷺ sa lahat ng kanyang mga Salatul-Jumu'ah. Katunayan, walang naitala sa buong KASAYSAYAN niya na nagbasa pa siya ng iba pang mga Surah sa Salatul-Jumu'ah bukod sa mga nabanggit, kaya ang pag-ILTIZĀM ng khateeb sa pagbabasa ng Surah sa Salatul-Jumu'ah na may kaugnayan sa kanyang paksa sa Khutbah ay Bid’ah, ayon kay Shaykh Bakr Abu Zayd -رحمه الله- sa kanyang aklat na "تصحيح الدعاء", p. 319.

At SUNNAH din sa khateeb ng JUMU'AH na direktang aakyat sa minbar - tulad ng palagiang ginagawa ng Rasulullah ï·º tuwing JUMU'AH, at hindi Sunnah sa khateeb na magdasal pa ng Tahiyyatul-Masjid sa oras na iyon.

At WALANG PAGDUDUDA na ang PAMAMARAAN o SUNNAH ng RASULULLAH ï·º ang siyang PINAKAMAINAM at PINAKAMAHUSAY sa lahat ng mga pamamaraan.

قال ﷺ في خطبته: "وخير الهدى هدى محمد (ﷺ)." (رواه مسلم).

𝙄𝙩𝙤 𝙖𝙮 𝙞𝙨𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙞𝙠𝙨𝙞𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙖𝙡𝙖𝙡𝙖 𝙨𝙖 𝙡𝙖𝙝𝙖𝙩 𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙠𝙝𝙖𝙩𝙚𝙚𝙗 𝙖𝙩 𝙞𝙢𝙖𝙢 𝙣𝙜 𝙅𝙐𝙈𝙐'𝘼𝙃.

27/10/2022

𝗔𝗾𝗲𝗲𝗱𝗮𝗵 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 𝗘𝗽. 𝟭𝟰
(𝗣𝗮𝗿𝘁 𝟮)

𝗣𝗮𝗹𝗶𝘄𝗮𝗻𝗮𝗴 𝘀𝗮 "𝗔𝗟-𝗟𝗔𝗠𝗜𝗬𝗔𝗛" 𝗻𝗶 𝗜𝗯𝗻𝘂 𝗧𝗮𝘆𝗺𝗶𝘆𝘆𝗮𝗵 رحمه الله.

27/10/2022

انتشر مؤخرا في وسائل التواصل أثر عن الإمام مالك رحمه الله: (أرأيت الرجل يدافع عن الحق فيشتم ويسب ويغضب فاعلم أنه معلول النية لأن الحق لا يحتاج إلى هذا).

وهذا كذب على الإمام مالك رحمه الله؛ لعدة أوجه:

الوجه الأول: أن هذا الأثر لا أصل له، لا عن الإمام مالك رحمه الله، ولا عن غيره من سلف هذه الأُمَّة، فلم يثبت ذلك عن الإمام مالك ولا عن غيره من السلف الصالح.

الوجه الثاني: ذكر الغضب فيه منكر، فإن النبي ﷺ كان يغضب إذا انتهكت محارم الله، وقد قالت عائشة رضي الله عنها: "وما انتقم رسول الله ﷺ لنفسه في شيء قط، إلا أن تنتهك حرمة الله، فينتقم بها لله". (متفق عليه).

الوجه الثالث: أما السب فالأمر يختلف بحسب حال المنكر والمنكر عليه، فهذا عبد الله بن عمر رضي الله عنهما سب ابنه (واسمه: بلال) سبا سيئا ما سبه مثله قط، وذلك لما رآه وسمع منه معارضته للحديث الصحيح: "لَا تَمْنَعُوا نِسَاءَكُمُ الْمَسَاجِدَ إِذَا اسْتَأْذَنَّكُمْ إِلَيْهَا" بالرأي لما قال: "واللهِ، لَنَمْنَعُهُنَّ". (متفق عليه).
قال النووي: وفي رواية: "فزبره"، وفي رواية: "فضرب في صدره"، فيه تعزير المعترض على السنة، والمعارض لها برأيه، وفيه تعزير الوالد ولده وإن كان كبيرا. (المنهاج).

الوجه الرابع: قولك: (يا فاسق، يا كافر، يا عدو الله) من السب، وهو جائز إذا صدر في حق من يستحق، فقد قال الشافعي رحمه الله هذا لحفص الفرد: "كفرتَ، يا كافر"، لما تكلم أمامه بخَلق القرآن، وكذا قال الإمام أحمد رحمه الله لبعض مناظريه في المحنة.

وقال عبد الله بن عباس رضي الله عنهما في نَوْف البِكالِيّ: "كذب عدو الله"، وهذا من السب في حق من يستحق ذلك.

نعم، الرفق مطلوب شرعا وله محله خصوصا مع أصحاب المعاصي، وكذلك الشدة لها محلها، وذلك مبسوط في الأخبار وسير السلف الصالح، والمراد هنا التنبيه على نكارة المتن وأن الأثر غير صحيح، بل هو كذب على الإمام مالك رحمه الله.

والله أعلم.

26/10/2022

"Kapag ang tao ay naging 𝗦𝘂𝗳𝗶 sa umaga, hindi pa darating ang Dhuhr siya ay magiging 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗮𝗹 na (idiot)."~Imam Shafi'i.
"لو أن رجلا تصوف أول النهار، لا يأتي الظهر حتى يصير أحمق".
"Kung mananatili ang tao sa 𝗦𝘂𝗳𝗶𝘆𝘆𝗮𝗵 [pagiging Sufi] sa loob ng 𝟰𝟬 𝙙𝙖𝙮𝙨, 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗻𝗮 𝗯𝗮𝗯𝗮𝗹𝗶𝗸 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗻𝘆𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗻𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗶𝘀𝗶𝗽 (𝗸𝗮𝘁𝗶𝗻𝘂𝗮𝗻) 𝗺𝗮𝗴𝗽𝗮𝗸𝗮𝗶𝗹𝗮𝗻𝗺𝗮𝗻." ~Imam Shafi'i.
"ما لزم أحد الصوفية أربعين يوما، فعاد عقله إليه أبدا".
"Nasamahan ko ang mga Sufi ng 30 years, wala akong nakita ni isa mang matino sa kanila, maliban kay Muslim Al-Khawwas." ~Yunus bin Abdil-A'la, estudyante ni Imam Shafi'i.
"صحبت الصوفية ثلاثين سنة، ما رأيت فيهم عاقلا، إلا مسلم الخواص."
~𝙃𝙞𝙡𝙮𝙖𝙩𝙪𝙡-𝘼𝙬𝙡𝙞𝙮𝙖 𝟵/𝟭𝟰𝟮, 𝙏𝙖𝙡𝙗𝙞𝙨𝙪 𝙄𝙗𝙡𝙞𝙨 𝙥. 𝟯𝟮𝟳, 𝘼𝙡-𝙄𝙨𝙩𝙞𝙦𝙖𝙢𝙖𝙝 𝟭/𝟰𝟭𝟰.

Delikado pala maging Sufi 'no, di ka pa nangangalahating araw buang ka na, eh papaano pa kaya kung mag-40 days ka?! Hanggaw na hanggaw ka na niyan, pati DALEEL SAHIH SAREEH di mo na maunawaan ng tama. Kasi may tama na iyang Aql mo.

26/10/2022

𝗔𝗾𝗲𝗲𝗱𝗮𝗵 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 𝗘𝗽. 𝟭𝟰
(𝗣𝗮𝗿𝘁 𝟭)

𝗣𝗮𝗹𝗶𝘄𝗮𝗻𝗮𝗴 𝘀𝗮 "𝗔𝗟-𝗟𝗔𝗠𝗜𝗬𝗔𝗛" 𝗻𝗶 𝗜𝗯𝗻𝘂 𝗧𝗮𝘆𝗺𝗶𝘆𝘆𝗮𝗵 رحمه الله.

26/10/2022

Kung naniniwala ka pa rin ngayon na ang ASIN at BAWANG ay pantaboy ng masamang ispirito at aswang ay MAG-ARAL KA ULIT NG TAWHEED AT AQEEDAH.

25/10/2022

𝗔𝗾𝗲𝗲𝗱𝗮𝗵 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 𝗘𝗽. 𝟭𝟯
(𝗣𝗮𝗿𝘁 𝟱)

"𝗠𝗴𝗮 𝗠𝗮𝗸𝗮𝗸𝗮𝘀𝗶𝗿𝗮 𝗻𝗴 𝗜𝘀𝗹𝗮𝗺."

25/10/2022

لا تمكن صاحب هوى من أذنيك فيقذف فيهما داء لا شفاء له.
"Huwag hayaan ang taong sumusunod sa sariling kagustuhan, sa iyong dalawang tainga, na maglagay siya ng sakit doon na walang kagalingan."~Ibnu Mas'ud.
[ذم الكلام للهروي ٢٦٧/٤]

Marami ang ganyang mga tao at mga nagsusulong ng mga maling katuruan, mga kabuktutan, mga bid'ah, mga fitnah, mga shubuhat (misconceptions) sa lipunan at kumunidad, lalo na sa social media ngayon.

Ikaw bilang isang muslim na may EIMAN at TAQWA sa Allah, dapat mong iwasan ang pakikinig sa kanila, huwag kang makiupo sa kanila, at layuan mo ang pagbabasa ng kanilang mga sinusulat, dahil maaaring matukso ka nila at ma-fitnah kalaunan at maligaw ka. Dahil ang Shubhah ay mapanlinlang at nambibitag, at ang mga puso'y mahihina.

Huwag mong sabihing makikinig ka rin sa mga Ulama at nagda-da'wah ng bid'ah, kagaya ng pakikinig mo sa mga Ulama ng Ahlus-Sunnah (Salafi). BAKIT MO PINAGHALU-HALO ANG SUNNAH AT ANG BID'AH, ANG HAQQ AT BATIL?! DAPAT I-FILTER MO ANG IYONG MGA KINAKALAP NA KAALAMAN. HUWAG PARANG SPONGE NA INA-ABSORB ANG LAHAT, DAHIL HINDI MO TAGLAY ANG MGA SANGKAP UPANG IBUKLOD ANG LAHAT NG KABUTIHAN SA KASAMAAN AT MGA MAPANLINLANG NA MGA KATUROAN AT IDEOLOHIYA.

KATUNAYAN, napakarami ng nalinlang at naloko ng mga Ulama at mga da'iyah ng Ahlul-bid'ah na mga mahihina ang kaalaman o wala talagang kaalaman sa Islam.

Marami na akong kilala na dati ay matuwid ang Aqeedah nila at Manhaj, nguni’t dahil sa hindi nila pag-iwas sa pakikinig sa mga Ulama na nagda-da'wah ng mga bid'ah na mapanlinlang at mga sinungaling, ngayon ay naging kasama na nila, dinadakila nila sila, at kabilang na rin sa mga tumutuligsa sa mga Ulama ng Ahlus-Sunnah, pati ang Makkah at Madinah at ang mga Ulama doon at namumuno ay hindi nakaligtas sa kanilang panunuligsa.

Tunay na ang pamimilosopo at pakikipagtalo sa mga Ulama ng Ahlus-Sunnah ay isa sa mga pintuan ng pagkaligaw at pagkawasak.
حسبنا الله ونعم الوكيل.

24/10/2022

𝙰𝚗𝚐 𝚙𝚊𝚐-𝚌𝚎𝚕𝚎𝚋𝚛𝚊𝚝𝚎 𝚗𝚐 𝙼𝚊𝚠𝚕𝚒𝚍 𝚊𝚢 𝚖𝚞𝚕𝚊 𝚜𝚊 𝚂𝚑𝚒'𝚊𝚑, 𝚊𝚝 𝚒𝚝𝚘 𝚍𝚒𝚗 𝚊𝚢 𝚙𝚊𝚗𝚐𝚐𝚊𝚐𝚊𝚢𝚊 𝚜𝚊 𝚖𝚐𝚊 𝙺𝚛𝚒𝚜𝚝𝚒𝚢𝚊𝚗𝚘 𝚜𝚊 𝚔𝚊𝚗𝚒𝚕𝚊𝚗𝚐 𝙲𝚑𝚛𝚒𝚜𝚝𝚖𝚊𝚜.

Sinabi ng 𝗥𝗮𝘀𝘂𝗹𝘂𝗹𝗹𝗮𝗵 ﷺ:
من تشبه بقوم فهو منهم.
"𝗦𝗶𝗻𝘂𝗺𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗴𝘂𝗺𝗮𝘆𝗮 𝘀𝗮 𝗶𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗴𝗿𝘂𝗽𝗼 𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗼 𝗮𝘆 𝗸𝗮𝗯𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗮 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮." ~𝙄𝙣𝙪𝙡𝙖𝙩 𝙣𝙞 𝘼𝙗𝙪 𝘿𝙖𝙬𝙪𝙙, 𝙝𝙖𝙨𝙖𝙣 𝙨𝙖𝙝𝙞𝙝 𝙖𝙮𝙤𝙣 𝙠𝙖𝙮 𝘼𝙡𝙗𝙖𝙣𝙞.

Sinabi naman ni 𝗔𝗯𝗱𝘂𝗹𝗹𝗮𝗵 𝗯𝗶𝗻 '𝗔𝗺𝗿 -رضي الله عنه-:
من بنى بأرض المشركين وصنع نيروزهم ومهرجانهم، وتشبه بهم حتى يموت وهو كذلك، حشر معهم يوم القيامة.
"𝗦𝗶𝗻𝘂𝗺𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴𝘁𝗮𝘆𝗼 𝘀𝗮 𝗹𝘂𝗽𝗮𝗶𝗻 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗺𝘂𝘀𝗵𝗿𝗶𝗸 𝗮𝘁 𝗴𝘂𝗺𝗮𝘄𝗮 𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗡𝗼𝘄𝗿𝘂𝘇 = Nairuz (𝗣𝗲𝗿𝘀𝗶𝗮𝗻 𝗡𝗲𝘄 𝗬𝗲𝗮𝗿) 𝗮𝘁 𝗺𝗴𝗮 𝗸𝗮𝗽𝗶𝘀𝘁𝗮𝗵𝗮𝗻, 𝗮𝘁 𝗴𝘂𝗺𝗮𝘆𝗮 𝘀𝗶𝘆𝗮 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝘀𝗶𝘆𝗮 𝗮𝘆 𝗺𝗮𝗺𝗮𝘁𝗮𝘆 𝗮𝘆 𝗴𝗮𝘆𝗼𝗻 𝘀𝗶𝘆𝗮, 𝘀𝗶𝘆𝗮 𝗮𝘆 𝗺𝘂𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗯𝘂𝗯𝘂𝗵𝗮𝘆𝗶𝗻 𝗸𝗮𝘀𝗮𝗺𝗮 𝗻𝗶𝗹𝗮 𝘀𝗮 𝗔𝗿𝗮𝘄 𝗻𝗴 𝗠𝘂𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗴𝗸𝗮𝗯𝘂𝗵𝗮𝘆." ~𝙄𝙣𝙪𝙡𝙖𝙩 𝙣𝙞 𝘿𝙪𝙡𝙖𝙗𝙞 𝙨𝙖 𝘼𝙡-𝙆𝙪𝙣𝙖 𝙬𝙖𝙡-𝘼𝙨𝙢𝙖 𝟯/𝟭𝟬𝟰𝟴, 𝙖𝙩 𝘽𝙖𝙞𝙝𝙖𝙦𝙞 𝙨𝙖 𝘼𝙡-𝙆𝙪𝙗𝙧𝙖, 𝟵/𝟯𝟵𝟮.

Nangangahulogan na ang mga nagdiwang ng Mawlid ay magiging kasama ng mga Shi'ah at mga Kristiyano sa Araw ng Paghuhukom, kapagka namatay sila sa ganyang kalagayan ng walang TAWBAH o PAGBABALIK-LOOB.

24/10/2022

𝗔𝗾𝗲𝗲𝗱𝗮𝗵 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 𝗘𝗽. 𝟭𝟯
(𝗣𝗮𝗿𝘁 𝟰)

"𝗠𝗴𝗮 𝗠𝗮𝗸𝗮𝗸𝗮𝘀𝗶𝗿𝗮 𝗻𝗴 𝗜𝘀𝗹𝗮𝗺."

24/10/2022

HINDI BID'AH ANG GINAWA NG MGA SAHABAH.

Anumang ginawa ng mga Sahabah - lalo na ang apat na Khalifah na sina Abu Bakr, Umar, Uthman at Ali - at walang isa mang sahabi ang sumita o nag-INKAR sa kanila ay kabilang ito sa tinatawag na IJMA (Consensus) o bagay na napagkasunduan nila na maituturing na legal sa Islam, maging ito man ay IJMA SAREEH nila o di-kaya'y IJMA SUKUTIY.

At Haram na ito'y banggain o paratangang bid'ah, sapagka't ang mga Sahabah ay hindi kailanman nagkakaisa sa kaligawan, sinisita kaagad ng bawat isa ang sinumang lumabag sa Islam.

Sa isang Hadith:
إن الله لا يجمع أمتي على ضلالة، ويد الله مع الجماعة، ومن شذ شذ إلى النار.
"TUNAY NA ANG ALLAH AY HINDI NIYA TITIPUNIN ANG AKING UMMAH SA KALIGAWAN, AT ANG PANGANGALAGA AT LINGAP NG ALLAH AY SA JAMA'AH NG MGA MUSLIM..."~Inulat ni Termidhi, at ito'y Hasan ayon kay Albani.

At higit sa lahat inutos ng Rasulullah ï·º na sundin rin dapat at PANGHAWAKAN ng mahigpit at malakas ang Sunnah o Pamamaraan ng kanyang mga khalifah:
فعليكم بسنتي وسنتي الخلفاء الراشدين المهديين من بعدي تمسكوا بها وعضوا عليها بالنواجذ.

Iilan sa ginawa ng apat na Khalifah na kabilang sa Sunnah nila o Pamamaraan:

1. Ang pagtipon ni Abu Bakr sa Qur'an sa mga suhuf. Upang ito'y mapangalagaan laban sa pagkawala at katiwalian, dahil sa pagkamatay ng napakaraming mga nakasaulo ng Qur'an [QURRĀ] sa digmaan ng Yamamah, na siyang nagtulak kay Abu Bakr upang ito'y tipunin at isulat sa mga suhuf, inatang niya ito sa sahabi na si Zayd bin Thabit, at ito'y nanatili kay Abu Bakr hanggang sa kanyang pagkamatay, at pagkatapos ay sa pangangalaga ni Umar hanggang sa kanyang pagkamatay, at pagkatapos ay sa pangangalaga ng kanyang anak na babaeng si Hafsah -رضي الله عنهم-.

2. Ang pagdarasal ng Tarawih na Jama'ah sa Masjid, na muling binuhay at isinagawa ni Umar -رضي الله عنه- sa kanyang khilafah, at in-appoint niyang imam rito ang dalawang sahabi na sina: Ubayy bin Ka'b at Tameem Ad-Dariy -رضي الله عنهما-.

3. Ang pangalawang Adhan sa JUMU'AH na inutos ni Uthman bin Affan -رضي الله عنه-, upang paaalahanan ang maraming mga taong naging abala sa makamundong gawain at paghahanapbuhay, upang sila'y dumalo ng JUMU'AH ng maaga at hindi mahuli rito.

Iyan at ang iba pang ginawa nila na IJMA NAPAGKASUNDUAN ng mga Sahabah -رضي الله عنهم-, ay WALA ni isang mang nangahas na nagsabing iyan ay illegal, o haram, o di-kaya'y bid'ah.

Bagkus ang mga iyon ay pasok sa SIYASAH SHAR'IYYAH ng mga makatarungan at dakilang mga pinuno sa KASAYSAYAN NG ISLAM.

Kaya nama'y isang napakalaking kalapastanganan at napakatinding kamangmangan na sabihin ngayon ng sinuman na ang mga ginawa nilang iyon ay BID’AH, taliwas sa mga sinasabi at mga pagbibintang ng iba.

Marapat sa sinumang nagsabi o nag-iisip o nagbintang ng ganyan sa mga Sahabah ng Rasulullah ï·º na sila ay mag-TAWBAH at magbalik-loob.

Dahil ang pagbibintang sa mga Sahabah ng mga bagay-bagay na hindi naman totoo ay isang napakalaking kasalanan, na maaaring maghantong sa KUFR, sapagka't ang pagbibintang na ang mga ginawa nilang iyon ay bid'ah, ay pagbibintang sa mga Sahabah ng kaligawan, at tunay na napakalayo nila riyan at iyan ay malinaw na pagpapasinungaling sa Allah at sa Rasulullah ï·º na pumuri sa kanila.

Mangmang lang sa Islam ang magbibintang ng ganyan sa mga Sahabah, o di-kaya'y kalaban mismo ng Islam.

Videos (show all)

𝗔𝗾𝗲𝗲𝗱𝗮𝗵 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 𝗘𝗽. 𝟭𝟰(𝗣𝗮𝗿𝘁 𝟳)𝗣𝗮𝗹𝗶𝘄𝗮𝗻𝗮𝗴 𝘀𝗮 "𝗔𝗟-𝗟𝗔𝗠𝗜𝗬𝗔𝗛" 𝗻𝗶 𝗜𝗯𝗻𝘂 𝗧𝗮𝘆𝗺𝗶𝘆𝘆𝗮𝗵 رحمه الله.
𝗔𝗾𝗲𝗲𝗱𝗮𝗵 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 𝗘𝗽. 𝟭𝟰(𝗣𝗮𝗿𝘁 𝟲)𝗣𝗮𝗹𝗶𝘄𝗮𝗻𝗮𝗴 𝘀𝗮 "𝗔𝗟-𝗟𝗔𝗠𝗜𝗬𝗔𝗛" 𝗻𝗶 𝗜𝗯𝗻𝘂 𝗧𝗮𝘆𝗺𝗶𝘆𝘆𝗮𝗵 رحمه الله.
𝗔𝗾𝗲𝗲𝗱𝗮𝗵 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 𝗘𝗽. 𝟭𝟰(𝗣𝗮𝗿𝘁 𝟱)𝗣𝗮𝗹𝗶𝘄𝗮𝗻𝗮𝗴 𝘀𝗮 "𝗔𝗟-𝗟𝗔𝗠𝗜𝗬𝗔𝗛" 𝗻𝗶 𝗜𝗯𝗻𝘂 𝗧𝗮𝘆𝗺𝗶𝘆𝘆𝗮𝗵 رحمه الله.
𝗔𝗾𝗲𝗲𝗱𝗮𝗵 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 𝗘𝗽. 𝟭𝟰(𝗣𝗮𝗿𝘁 𝟰)𝗣𝗮𝗹𝗶𝘄𝗮𝗻𝗮𝗴 𝘀𝗮 "𝗔𝗟-𝗟𝗔𝗠𝗜𝗬𝗔𝗛" 𝗻𝗶 𝗜𝗯𝗻𝘂 𝗧𝗮𝘆𝗺𝗶𝘆𝘆𝗮𝗵 رحمه الله.
𝗔𝗾𝗲𝗲𝗱𝗮𝗵 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 𝗘𝗽. 𝟭𝟰(𝗣𝗮𝗿𝘁 𝟯)𝗣𝗮𝗹𝗶𝘄𝗮𝗻𝗮𝗴 𝘀𝗮 "𝗔𝗟-𝗟𝗔𝗠𝗜𝗬𝗔𝗛" 𝗻𝗶 𝗜𝗯𝗻𝘂 𝗧𝗮𝘆𝗺𝗶𝘆𝘆𝗮𝗵 رحمه الله.
𝗔𝗾𝗲𝗲𝗱𝗮𝗵 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 𝗘𝗽. 𝟭𝟮 (𝗣𝗮𝗿𝘁 𝟮)"𝗔𝗻𝗴 𝗦𝗵𝗮𝗳𝗮'𝗮𝗵."
𝗔𝗾𝗲𝗲𝗱𝗮𝗵 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 𝗘𝗽. 𝟭𝟮 (𝗣𝗮𝗿𝘁 𝟭)"𝗔𝗻𝗴 𝗦𝗵𝗮𝗳𝗮'𝗮𝗵."
𝗔𝗾𝗲𝗲𝗱𝗮𝗵 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 𝗘𝗽. 𝟭𝟰(𝗣𝗮𝗿𝘁 𝟮)𝗣𝗮𝗹𝗶𝘄𝗮𝗻𝗮𝗴 𝘀𝗮 "𝗔𝗟-𝗟𝗔𝗠𝗜𝗬𝗔𝗛" 𝗻𝗶 𝗜𝗯𝗻𝘂 𝗧𝗮𝘆𝗺𝗶𝘆𝘆𝗮𝗵 رحمه الله.
𝗔𝗾𝗲𝗲𝗱𝗮𝗵 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 𝗘𝗽. 𝟭𝟰(𝗣𝗮𝗿𝘁 𝟭)𝗣𝗮𝗹𝗶𝘄𝗮𝗻𝗮𝗴 𝘀𝗮 "𝗔𝗟-𝗟𝗔𝗠𝗜𝗬𝗔𝗛" 𝗻𝗶 𝗜𝗯𝗻𝘂 𝗧𝗮𝘆𝗺𝗶𝘆𝘆𝗮𝗵 رحمه الله.
𝗔𝗾𝗲𝗲𝗱𝗮𝗵 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 𝗘𝗽. 𝟭𝟯(𝗣𝗮𝗿𝘁 𝟱) "𝗠𝗴𝗮 𝗠𝗮𝗸𝗮𝗸𝗮𝘀𝗶𝗿𝗮 𝗻𝗴 𝗜𝘀𝗹𝗮𝗺."
𝗔𝗾𝗲𝗲𝗱𝗮𝗵 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 𝗘𝗽. 𝟭𝟯(𝗣𝗮𝗿𝘁 𝟰) "𝗠𝗴𝗮 𝗠𝗮𝗸𝗮𝗸𝗮𝘀𝗶𝗿𝗮 𝗻𝗴 𝗜𝘀𝗹𝗮𝗺."
𝗔𝗾𝗲𝗲𝗱𝗮𝗵 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 𝗘𝗽. 𝟭𝟯(𝗣𝗮𝗿𝘁 𝟯) "𝗠𝗴𝗮 𝗠𝗮𝗸𝗮𝗸𝗮𝘀𝗶𝗿𝗮 𝗻𝗴 𝗜𝘀𝗹𝗮𝗺."

Location

Category

Website

Address

Buraydah
Other Education in Buraydah (show all)
இஸ்லாமிய அலை இஸ்லாமிய அலை
Al Imarah Street
Buraydah, 52361

Google+:www.plus.google.com/116699301018731687017/posts Twitter: https://twitter.com/islamwavetamil

Dental Students Research Unit Dental Students Research Unit
College Of Dentistry, Qassim University
Buraydah

Dental Students Research Unit

P*S Buraydah P*S Buraydah
Buraydah, POBOX27112

Community school aims at imparting quality education to the future generation of expatriates in KSA.

رواد الخبرة للاستشارات التعليمية والتربوية رواد الخبرة للاستشارات التعليمية والتربوية
2771 King Fahd Roud – Alnazyaa. Unit No(1) – Buraidah-8209 – Kingdom Of Sa
Buraydah, 52359

Pioneers of experience in Educational Consulting

مؤسسة الضبيعي للسباكه ومواد البناء مؤسسة الضبيعي للسباكه ومواد البناء
Buridah
Buraydah

تامين وتوريد مواد سباكة ومواد بناء وكهرباء

Innovative Incubator Center Innovative Incubator Center
College Of Computer
Buraydah, 51452

The IIC aims to incubate and nurture the innovative ideas and businesses offered by our talented stu

متوسطة: الشهيد بغاديد محمد ـ بريدة ـ متوسطة: الشهيد بغاديد محمد ـ بريدة ـ
Buraydah, 03005

التعريف بالمتوسطة ونشاطاتها

حضانة عباد الرحمن حضانة عباد الرحمن
القصيم
Buraydah, 0966

حضانة عباد الرحمن تعليم مختلف بشكل مبتكر ورعاية حانية لأبنائنا وأبنائكم بإذن الله