ALS GOA District

ALS GOA District

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from ALS GOA District, Education, .

28/07/2022

ALAM MO BA, kahit may edad ka na, pwedeng-pwede mo pa rin gawing na ituloy ang pag-aaral mo ng elementary, junior high school o senior high school sa pamamagitan ng Alternative Learning System (ALS)?

Dahil sa ALS, ang schedule ng klase ay base sa pangangailangan ng ALS learner upang magkaroon ng pagkakataon na balansehin ang pag-aaral at iba pang responsibilidad.

✨Para mag-enroll saan man sa Pilipinas✨, magtanong na sa ALS Teacher sa inyong barangay, community learning center, o sa pinakamalapit na pampublikong paaralan. Ipasa ang sumusunod na mga requirement:
- Kopya ng iyong birth certificate (PSA o NSO)
- 2x2 ID picture (white background)
- Form 137 (para lang sa mga galing sa formal school)

Maaari rin kayo makipag-ugnayan sa DepEd Schools Division Office (SDO) na pinakamalapit sa inyong lugar. Mahahanap niyo ang contact details ng mga SDO sa link na ito: https://www.deped.gov.ph/contact-us/regional-division-offices-directory/



18/11/2021

: Kahit may edad ka na, pwedeng-pwede ka pa rin magtapos ng elementary o high school sa pamamagitan ng ALS!

Mag-enroll na sa mga community learning center (CLC) sa inyong barangay o sa mga pampublikong paaralan na pinakamalapit sa inyong lugar.

Ipasa ang mga sumusunod na requirement:
- Kopya ng iyong birth certificate (PSA o NSO)
- 2x2 ID picture (white background)
- Form 137 (para lang sa mga galing sa formal school)

Gamitin ang modified ALS Form 2, alinsunod sa DepEd Order No. 58, s. 2017. Maaaring i-download at i-print ang modified ALS Form 2 mula sa link na ito: bit.ly/ALSEnrollmentForm2021



23/07/2021

Ang mga ALS teacher ang unang sandigan mo habang nag-aaral ka sa ALS. Sila ay mayroong sapat na kakayahan, kaalaman at training upang tugunan ang iyong mga tanong at mga pangangailangang may kinalaman sa iyong pag-aaral. Kaya makabubuting lagi at direktang makipag-ugnayan sa kanila para sa anumang paglilinaw tungkol sa status ng iyong enrollment, learning plan and progress, at mga update tungkol sa programa mula sa DepEd.

Siguraduhing na-Like at na-Follow mo na rin ang DepEd ALS 2.0 page para hindi mahuli sa mga impormasyon at opisyal na announcement tungkol sa ALS. Puntahan at basahin na ang official page ng ALS!


Photos from ALS GOA District's post 01/07/2021

New ALS DISTRICT Office
Thru the efforts of Implementers and BLWs.
Thank you for making our place beautiful ever🥰

30/09/2020

Balitang : Sa naging pagtalakay ng Bicameral Conference Committee sa panukalang batas para sa ALS Program noong September 17, 2020, pinagtibay ng DepEd ang kahalagahan na siguraduhing mayroong patas na compensation at pagkakataon sa career development ang mga ALS teacher.

Binigyang-diin ng Kagawaran na bilang DepEd-hired teachers, lahat ng ALS teachers ay may pagkakataong ma-promote sa susunod na antas (bilang Master Teacher, School Head, o Supervisor sa District, Division at Regional levels) batay sa mga pamantayang iniaatas ng Civil Service Commission (CSC). Kagaya ng mga regular na school-based DepEd teachers, makatatanggap din ang ALS teachers ng benepisyo at professional development tulad ng fellowship, scholarship at training para sa lahat ng learning areas ng basic education curriculum.

Kaugnay nito, isinaalang-alang din ng Kagawaran sa nasabing panukalang batas ang pagkakaroon ng transportation allowance at teaching aid para sa lahat ng DepEd-hired ALS teachers bukod sa kasalukuyang natatanggap na Special Hardship Allowance (SHA).

Lahat ng ito ay batay sa DepEd Order 64, series 2011 (Equal Opportunities and Standard Implementation of DepEd Policies for the Alternative Learning System Implementors). Maaaring i-download ang kopya ng DO 64, s. 2011 mula sa link na ito:https://www.deped.gov.ph/wp-content/uploads/2011/08/DO-No.-64-s.-2011.pdf

Kapag pinagtibay na ng Senado at ng Kongreso ang Bicameral Conference Report ng nasabing panukalang batas, ito ay ipapasa na sa Tanggapan ng Pangulo upang pirmahan at ganap nang isabatas.

Photos courtesy of: ALS Cotabato City Division, ALS - Davao City Division, and DepEd ALS 2.0 SDO Tabaco City


ALS enrollment: ONLINE 10/09/2020

BASAHIN: Upang tiyakin na ligtas at maayos ang enrollment, may ilang ALS mobile teachers/implementers ang tumatanggap na ng enrollment online sa iba’t ibang paraan. Ito ay maaaring sa pamamagitan ng link sa Google Docs, Facebook Messenger, chat, o email.

Ang pakikipag-ugnayan online ay isang option upang madaling makapag-enroll sa ALS. Para makita ang contact details ng mga ALS mobile teacher/implementer na tumatanggap ng online enrollment, i-click ang link na ito: bit.ly/3162un7

Maaari rin i-access ang parehong link sa pamamagitan ng pag-click dito: https://www.facebook.com/OfficialDepEdALS2.0/photos/a.111485297178446/161915702135405/?type=3&theater



08/09/2020

Lubos ang paghahanda ng mga ALS teacher para sa maayos at ligtas na pag-aaral ng mga ALS learner ngayong SY 2020-2021. Bagama’t may kasanayan na sa distance at blended learning, malaki pa rin hamon na kanilang kinakaharap ngayong panahon ng pandemya.

Isang Junior High School (JHS) level learner sa ALS si Jell ng Aklan. Ayon sa kanya, disiplina ang kailangan ng mga mag-aaral upang tulungan ang kanilang ALS teacher para sa maayos at ligtas na edukasyon.

Samantala, si Elvira na isa ring JHS level ALS learner mula sa Batangas ay patuloy na nagre-review at nakikipag-ugnayan sa kanilang ALS teacher sa pamamagitan ng chat. Ayon sa kanya, nagpapasalamat siya sa mga feedback at update na laging binibigay ng kanilang g**o.

Sa mga out-of-school youth and adults na nais pa rin mag-enroll sa ALS, gawin lamang ang isa sa mga sumusunod upang makahanap ng ALS teacher na tutulong sa inyong edukasyon sa kabila ng pandemya:

A. Magtanong sa inyong barangay
B. Tumawag sa pinakamalapit na DepEd Schools Division Office (SDO) na nakalista sa link na ito: https://www.facebook.com/pg/OfficialDepEdALS2.0/photos/?tab=album&album_id=148148500178792&__tn__=-UK-R
C. Mag-text, mag-chat o mag-email sa ALS mobile teacher/implementer na nakalista sa link na ito: https://www.facebook.com/OfficialDepEdALS2.0/photos/a.111485297178446/161915702135405/?type=3&theater


01/09/2020

Sa October 5, simula na ng klase sa ALS Program para sa SY 2020-2021. Gamit ang iba’t ibang Learning Delivery Modalities (LDM) tulad ng blended learning, online learning, Radio-Based Instruction (RBI), eSkwela at self-directed modular learning, patuloy na maihahatid ng mga ALS mobile teacher at implementer ang mga aralin sa lugar at oras na angkop sa sitwasyon ng mga mag-aaral.

Bilang mga ALS learner, paano naman kayo maghahanda at makatutulong sa inyong mga ALS teacher upang maging maayos at matagumpay ang inyong pag-aaral sa kabila ng pandemya? Mag-comment lang sa ibaba ng post na ito!

Ang mga malikhain at nakaaaliw na ideya at suhestyon ay itatampok dito sa DepEd ALS 2.0 page.


31/08/2020

Batay sa ALS K to 12 Basic Education Curriculum (BEC) na ipinatutupad ng DepEd simula noong 2019, ang mga ALS learner ay maaaring dumaan sa alinman sa sumusunod na Key Stages of Learning:
• Basic Literacy (BL) level
• Lower Elementary (LE) level
• Advanced Elementary (AE) level
• Junior High School (JHS) level
• Senior High School (SHS) level

Dahil nakahanay na ang bagong ALS curriculum sa curriculum ng formal school, magkakahanay na rin ang competencies na matutunan ng mga ALS learner at mga mag-aaral sa formal school. Dahil dito, mabibigyan din ng pantay na pagkakataon ang mga ALS learner na magpatuloy na pag-aaral sa mas mataas na antas ng edukasyon.

Source:https://www.deped.gov.ph/wp-content/uploads/2019/06/DO_s2019_013.pdf


28/08/2020

Pls read read and read

PABATID: Ang opisyal na petsa ng A&E Readiness Test (AERT) ay ipahahayag ng Kagawaran sa pamamagitan ng isang DepEd Order.

Kapag ito ay aprubado na, lahat ng impormasyon tungkol sa AERT ay agad na ilalathala dito sa DepEd ALS 2.0 page.

Samantala, siguraduhing kumpleto at maayos na ang mga portfolio ng mga learner. Ito ay isang mahalagang requirement para sa AERT.

Timeline photos 14/08/2020
ALS Learning Delivery Modalities 04/08/2020
ALS Program FAQs 03/08/2020

Bago pa man baguhin ng ang ating paraan ng pamumuhay at pakikisalamuha, sa pamamagitan ng ALS Task Force at partners nito ay sinisimulan nang buuin ng DepEd ang online version ng ALS Program.

Ito ay bilang tugon sa mga hamon ng makabagong panahon at bilang paghahanda sa ALS learners na makasabay sa mga pagsubok at oportunidad na dulot ng Industry 4.0.

Sa pagkakaroon ng “new normal,” higit kailanman ay kailangan ng ALS learners at teachers ang isang komprehensibo at maaasahang online version ng ALS Program upang maipagpatuloy ang edukasyon habang pinananatili ang kanilang kaligtasan at kalusugan.



A&E Readiness Test (AERT) 09/07/2020

Dahil hindi maisasagawa ng Bureau of Education Assessment (BEA) ang A&E Test ngayong taon para ALS Program completers ng SY 2019-2020, sinikap ng ALS Task Force na magkaroon pa rin ng A&E Readiness Test (AERT) na magsisilbing kapalit na national exam na susukat sa kahandaan ng ALS completers na magpatuloy sa susunod na antas ng pag-aaral.

Bagama’t ang AERT ay katumbas ng A&E Test, ito ay isasagawa lamang para sa kasalukuyang taon upang magkaroon na ng equivalency certification ang ALS completers ng SY 2019-2020. Hindi nito tuluyang papalitan ang A&E Test na isasagawa sa mga susunod na taon.

Para sa katanungan o paglilinaw, maaaring makipag-ugnayan sa inyong Division ALS Focal Person o mag-email sa [email protected]



Q&A: Temporary enrollment 02/07/2020

BASAHIN: Upang bigyang linaw ang mga kalituhan, agam-agam at maling akala tungkol sa temporary enrollment ng SY 2019-2020 ALS completers ngayong SY 2020-2021, narito ang mga simpleng Q&A na maaaring gamiting gabay ng ALS learners at teachers.

Tandaan na ang extension ng enrollment period sa public school ngayong SY 2020-2021 ay hanggang July 15 (Miyerkules).

Para sa katanungan o paglilinaw, maaaring makipag-ugnayan sa inyong Division ALS Focal Person o mag-email sa [email protected]

Mababasa ang Advisory tungkol sa temporary enrollment dito: https://bit.ly/3dGndBf



12/06/2020

Sa araw-araw na pagtuturo at paggabay ng mga g**o ng , araw-araw din lumalaya ang mga mag-aaral ng ALS mula sa kakulangan ng kaalaman, kawalan ng oportunidad at limitasyon ng lipunan.

Nawa’y magsilbing paalala ang na ang ating tinatamasang kasarinlan ay may kaakibat na responsibilidad na tulungan ang kapwa na magkaroon ng kalayaang pagbutihin ang kanilang sarili, ang kanilang komunidad at ang bansa.




08/06/2020
06/06/2020

Dae nkatapos nin Elementarya o sekondarya?
Gusto pang mag adal sa bakanteng oras ta may trabaho o ano mang kaulangan.
Uni na po libre, mare na enrol na.

Want your school to be the top-listed School/college?

Telephone

Website